Pinalayas ang pamilyang ito sa kanilang nirerentahang bahay dahil sa wala silang pangbayad sa renta!



Aminin man natin o hindi ngunit mayroon talagang mga tao na hindi kasing-buti o hindi kasing-bait ng ibang tao. Nakakalungkot isipin na mayroon pa ring mga tao na tila normal na lamang sa kanila na makitang nahihirapan ang ibang tao kahit pa ito ay dahil sa kanila mismong kagagawan.


Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang pamilyang ito na pinalayas sa kanilang inuupuhang tirahan, at naglalakad na lamang dala-dala ang ilan sa kanilang mga gamit. Ang netizen na nagbahagi ng kanilang larawan ay nakilala bilang si Nicole Ronquillo.




Ayon sa kaniya ay hindi nakakapagtrabaho ang ama ng pamilyang ito dahil na rin sa ipinapatupad na lockdown sa bansa sa gitna ng labis na paglaganap ng COVID-19 sa maraming mga lugar sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo. Hindi napigilan ni Nicole ang kaniyang sarili at ibinahagi niya sa social media ang kalunos-lunos na kalagayan ng pamilya.


Dagdag pa nito, naging caretaker ang naturang pamilya sa bahay ng kanilang amo na may-ari rin ng inuupahan nilang tahanan noong ito ay nasa ibang bansa pa. Ngunit ngayon nakauwi na ito ay tila walang pakundangan na pinalayas na lamang sila dahil lamang sa hindi sila makapagbayad ng kanilang renta sa tamang oras.



Kung mayroong mga mabubuting tao na tinutulungan ang kanilang kapwa sa abot ng kanilang makakaya, mayroon din palang mga taong wala man lang awa at konsiderasyon sa pamilyang dati na nilang pinakinabangan. Nawa ay mabigyan din ito ng aksyon ng kinauukulan kung makatao nga ba ang ginawang pagpapalayas sa pamilyang ito sa kabila ng mahigpit na utos ng pamahalaan na manatili na lamang sa ating mga tahanan habang hindi pa natatapos ang krisis sa COVID-19.

Sa panahon natin ngayon na wala nang iba pang magtutulungan kundi tayo tayo na lamang, huwag na sanang maging matigas ang puso ng marami sa atin, bagkus ay maging bukas ang ating palad, maging ang ating puso at isipan sa pagtulong sa ating kapwa nang walang hinihintay na kapalit.





error: Content is protected !!