Mag-asawa, naging milyonaryo dahil sa bente pesos nilang puhunan sa “ice candy” na kanilang negosyo!



Tunay ngang marami ang sasang-ayon na pahirap na ng pahirap ang ating buhay. Marahil ay dahil ito sa maliit na sweldo ng maraming mga manggagawa at madalas na pagtataas ng mga bilihin at pangunahing pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino magmula sa pagkain, edukasyon ng mga anak, bayarin sa bahay at marami pang iba.



Ngunit sinong mag-aakala na ang halagang bente pesos pala ay maaaring gawing puhunan at maging dahilan ng pag-asenso at pagiging milyonaryo ng mag-asawa na ito!


Sila ay nakilala bilang sina Rodolfo De Leon Jr. at ang misis nito na si Rosiell. Nang dahil sa kanilang sipag, tiyaga, at dedikasyon ay hindi naging imposible para sa kanila ang maiahon ang kanilang pamilya mula sa kahirapan. Naging milyonaryo ang mag-asawa ng magawa nilang mapalago ang halagang bente pesos nilang puhunan sa kanilang “ice candy business”.


Nang tanungin sila kung paano nila nagawa ito ay isa lamang ang kaniyang sinabi, na ang pagiging simple at hindi “materialistic” nilang mag-asawa ang nagging dahilan upang makamit nila ang tagumpay.


“Alam namin kung paano maging walang-wala sa buhay, kaya nagsumikap kami hindi lang para sa amin kundi pati na rin sa aming mga anak.”, dagdag pa ni Rodolfo.
Ikinuwento ng dalawa ang mga hamon na kanilang nilagpasan sa programa ng “Kapuso Mo, Jessica Sojo” kung saan maagang nabuntis ang misis ni Rodolfo na si Rosiell noon nasa kolehiyo pa lamang sila.



Ito ang nagging dahilan upang magpursige at magsumikap si Rodolfo na maghanap ng iba’t-ibang mga trabaho upang masuportahan ang kaniyang asawa at anak. Naging maayos ang lahat sa simula dahil nakapagpundar ang mag-asawa ng ilang mga ari-arian at nakapag-impok ng kaunti sa kanilang savings. Ngunit dumating ang panahon na hindi nila inaasahan at nawalan ng trabaho ang mister.

Dumating pa nga ang panahon na bente pesos na lamang ang kanilang natirang pera ngunit sa halip na mangutang ay ginamit nila itong puhunan sa naisip nilang negosyo. At dahil na rin sa kanilang pagtutulungan bilang isang pamilya ay mayroon na silang mga outlets kung saan nila ibinebenta ang kanilang ice candy. Mayroon ding mga naglalako nito, nagtitinda sa mga sari-sari stores at maging sa mga elementary school.






error: Content is protected !!