Pasilip sa Wil Tower Penthouse ng sikat na celebrity na si Willie Revillame



Mayroon bang Pilipino na hindi nakakakilala kay Kuya Wil? Si Willie Revillame ang isa sa maraming mga kilalang personalidad sa industriya ng show business. Bagamat marami siyang mga kontrobersiya na kinahaharap noon ay napagtagumpayan niya ang lahat ng ito. Tunay nga namang nagkaroon ng pagtaas at pagbaba ang kaniyang karera ngunit talaga namang lalo pa rin siyang minamahal ng mga Pilipino.



Hindi na ito nakapagtataka dahil sa tatlong malalaking TV network ng bansa ang kaniyang napuntahan tulad na lamang ng Wowowee sa ABS-CBN taong 2005 hanggang 2010. Wowowillie sa TV5, Enero hanggang Oktubre 2013. At Wowowin sa GMA mula Mayo 2015 hanggang sa kasalukuyan. Ang mga programa na ito ay sinuportahan ng maraming tagahanga ng sikat na host at maging mga tagahanga ng kaniyang programa.


Dating barker si Kuya Wil at kalaunan ay naging isang mahusay na drummer. Kung dati ay puro paghihirap lamang ang kaniyang dinaranas, ngayon ay isa na siya sa pinakamatagumpay at pimakamayamang personalidad sa show business. Isa lamang ang kaniyang napakarami at napakagarbong mga ari-arian ay ang kaniyang “three parcel of land property” sa Quezon City sa harapan mismo ng ABS-CBN.


Sinasabing ang dating boss ni Kuyal Wil sa ABS-CBN na si Freddie Garcia ang may-ari ng isang parsela ng lupa na kaniyang binili. Taong 2008 nang binili niya ito sa halagang 47 milyong piso bawat isang parsela ng lupa. Nasa tinatayang 5,000 square meter ang lupain na kinatitirikan din ngayon ng Will Tower. Nagkaroon ng partnership si Kuya Wil sa dating senador na si Manny Villar na kilala din bilang isang property developer at magkasabay nga nilang binuo ang isang commercial-residential tower.


Talaga namang mamamangha ka at bibilib sa pag-aari na ito ni Kuya Wil. Napakaelegante at talaga tanaw na tanaw mo ang buong siyudad. Isang kilalang Pilipino din sa buong mundo ang nagdisenyo nito, si Kenneth Cobonpue. At talaga namang halata rin ang pagiging metikuloso niya sa mga ilaw at mga mamahaling mwebles.






error: Content is protected !!