Mga anak nina Manny at Jinkee Pacquiao hinangaan ng publiko dahil sa husay nila sa pagsagot sa media maging ang kanilang accent



Nagbunyi ang sambayanang Pilipino sa panalo ni Manny “Pacman” Pacquiao laban sa katunggali nitong si Keith Thurman para sa WBA welterweight championship nito lamanc Hulyo 20, 2019 na ginanap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada. Tunay ngang pinatunayaan na naman ng ating “Pambansang Kamao” na iba ang galing at husay ng mga Pilipino. Ito ay sa kabila ng sampung taong agwat ng kaniyang kalaban na si Keith Thurman na mas bata sa 40-anyos na na Pinoy legendary boxing icon.



Bukod nga sa husay at galing ni Manny Pacquiao sa ibabaw ng ring ay isa rin siyang pulitiko at kasalukuyang senador ng ating bansa. Kung kaya naman siya ay tinagurian ng marami bilang “fighting senator”. Sa dami ng kaniyang mga nakamit na karangalan at tagumpay ay wala pa ring papantay sa pagkakaroon niya ng masaya at kumpletong pamilya.


Siya ay mayroong limang mga anak sa misis niyang si Jinkee Pacquiao. Sila ay sina Emmanuel o mas kilala bilang Jimuel, Michael, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth, at Israel. Tunay ngang napakapalad ng mga bata na ito upang magkaroon ng isang matagumpay na ama at ina. Hindi na nila mararanasan pa ang hirap na dinanas ng kanilang mga magulang noong nagsisimula pa lamang sila bilang mag-asawa. Dahil sa sipag at tiyaga nila ay nakamit na nila ang kanilang hinahangaad na tagumpay kasabay pa nito ang pagkakaroon nila ng pagkakataong makatulong sa kanilang pamilya at iba pang tao.


Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang video ng mga babaeng anak ni Manny na mayroong pambihirang kahusayan sa pagsasalita lalo na sa kanilang English accent. Labis itong hinangaan ng maraming mga netizens dahil noon pa man ay maaalala na marami ang humuhusga kay Manny at sa kaniyang ina dahil sa kanilang pagsasalita.


Hindi rin sila ganun kabihasa sa pagsasalita ng Ingles kung kaya naman madalas ay hirap din silang ipabatid sa maraming tao ang kanilang nais ipahayag lalo na kung international media ang nag-iinterview sa kanila. Kung kaya naman hindi na kataka-taka na ngayong matagumpayan na sila sa buhay ay talaga namang binigyang prayoridad ng mag-asawang Pacquiao na magkaroon ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak sa pinakaprestihiyosong paaralan sa bansa.






error: Content is protected !!