Isang lalaki ang nakiusap sa kaniyang mga FB friends na siya ay i-unfriend upang hindi na malungkot pa ang kaniyang nobya!



Sa Facebook, maaari kang maging kaibigan sa isang tao kahit pa hindi kayo nagkikita. Kahit taga-saan pa sila o kahit sinong tao ay maaaring maging kaibigan sa Facebookk. Ngunit ang lalaki na ito ay nagnanais na i-unfriend siya ng mga babae na “friend” niya sa social media platform na ito para sa kaniyang nobya.



Ang nasabing lalaki ay nakilala bilang si JM Prudente na nagpost ng isang mensahe para sa kaniyang mga kaibigang babae sa Facebook na i-unfriend na siya. Dagdag pa niya ay hindi niya ito kayang isa-isahin pa dahil sa siya ay gumagamit lamang ng “free data”. Hindi rin diumano kagwapuhan ang tingin niya sa kaniyang sarili upan mag-unfriend ng mga kaibigan niyang babae sa Facebook ngunit nais niya lang talagang gawin ito para sa kaligayahan ng kaniyang kasintahan.

Agad namang nagviral ang kaniyang ginawa dahil sa isanh Jahz Navarra din ang nagbahagi ng isang screenshot na kaniyang naging pag-uusap sa isang Facebook user. Nilagyan pa niya ito ng caption na, siya ung “i-unfriend mo na ko, magagalit gf ko” sa mundong puno ng “text mo na lang ako baka makita gf ko.” Ito ay talaga namang nangangahulugan na ang nobyo ay tapat sa kaniyang minamahal at hindi nagnanais na masaktan ang kaniyang nobya dahil sa mga hindi magandang gawain ng ibang kalalakihan patungkol sa pangloloko.


Sa dami ng mga positibong komento patungkol sa mgakarelasyon ay mayroon pa ring mga tao na nagbahagi ng kani-kanilang komento at nagsasabi na dapat ay mas maging mature sila at maunawaan na magkakaroon at magkakaroon ng pagkakataon na makakasalamuha ang kanilang karelasyon ng ibang mga tao, lalaki man o babae sa kanilang buhay.


Ang “free data” ay nagbibigay ng pagkakataon sa ilang gumagamit ng cellphone na makapag-check ako makagamit ng kanilang social media account at makapagmensahe kahit pa wala silang “cellular load” o “data credit”.




error: Content is protected !!