Kapuso actress Barbie Forteza nagdiwang ng kaniyang ika-22 taon niyang kaarawan kasama ang nobyo niyang si Jak Roberto at mga magulang nito sa Tagaytay!



Ang naging kaarawan ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ay talaga namang hindi malilimutan ng dalaga at maging ng kaniyang mga tagasuporta at tagahanga. Kamakailan nga lamang ay nagdiwang siya ng kaniyang kaarawan kasama ang kaniyang nobyo at ang kaniyang mga magulang si Barbie sa isang “intimate Tagaytay getaway”. Kumain ang mag-anak sa paboritong kainan ni Barbie ang “Atoy’s Porkchop” na mayroong masasarap na porkchop at tapsilog. Kalaunan ay naglublob din naman sila kaagad ni Jak sa pool kahit pa nga medyo may kalamigan ang panahon doon.



Si Barbara Ambas Forteza o mas kilala din naman ng marami bilang si Barbie Forteza ay 22-taong gulang na aktres at modelo. Siya ay unang nakilala bilang ang batang si Jodi sa remake ng 2003 South Korean television series na “Stairway to Heaven” at bilang Cyndi Gomez naman sa “First Time”. Nagkaroon na din siya ng ilang mga pelikula tulad na lamang ng “Tween Academy: Class of 2012”, “The Road”, at ang indie film na “Puntod” kung saan siya ay nagwagi ng “New Movie Actress of the Year” sa 26th PMPC Star Awards for Movies.


Taong 2014 naman nabigyan siya ng isa sa kaniyang mga natatanging pagganap kasama ang aktres na si Thea Tolentino sa “The Half Sisters”. Agosto 2014 naman ng siya ay magwagi ng Best Supporting Actress award sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival sa pelikulang “Mariquina” bilang pagganap niya sa teenage version ng karakter ni Mylene Dizon na si Imelda.


Talaga namang kinakikiligan ang tambalan ni Barbie at ng kaniyang nobyo na si Jak Roberto na isa ring kilalang aktor, modelo, at mang-aawit, Si Jak ay kapatid din ng isa pang Kapuso actress na si Sanya Lopez.


Naibahagi noon ng magkasintahan sa kanilang pagbisita sa “Tonight With Arnold Clavio”na nagsimula sila bilang magkaibigan noon sa kanilang palabas na “Meant To Be” kasama sina Addy Raj, Ken Chan at Ivan Dorschner noong 2016. Taong 2017 naman ng maging opisyal silang magkasintahan.






error: Content is protected !!