Pangarap na bahay ni Kathryn Bernardo para sa kaniyang pamilya malapit na malapit na niyang makamit!



Ang aktres na si Kathryn Bernardo nga ang isa sa mga pinakahahangaang aktres sa industriya ng show business. Kamakailan nga lamang ay naipalabas na sa sinehan ang bago niyang pelikula na pinamagatang “Hello, Love, Goodbye” katambal ang Kapuso actor na si Alden Richard. Ito nga ay kumita kaagad ng higit sa P34,450,000 sa unang araw pa lamang.



Tunay ngang napakaraming pagpapala ang dumadating sa buhay ngayon ng 23 taong gulang na aktres. Ngunit sa kabila ng napakaraming mga biyaya na ito ay hindi pa rin nakakalimot si Kathryn na tuparin ang pangarap niya para sa kaniyang pamilya, ang magkaroon sila ng sarili nilang tahanan.


At sa ngayon nga ay tila nalalapit nang maisakatuparan ang pangarap niyang ito. Sa naging panayam ng “Magandang Buhay” kay Kathryn ay naikwento niya kung paano nila sinorpresa ng kaniyang ina na si Min Bernardo ang kaniyang ama sa binili niyang bakanteng lote. Ayon sa aktres, sa lote nila itatayo ang kanilang dream house. “Itong lote na ‘to, nabili siya three years ago po. Dream ko talaga na mapatayo yung dream house namin nila mama pero hindi kasi joke yung gagastusin. Recently, last week, sinurprise namin si papa. doon lang namin pinakita na may nabili kaming lote,”pahayag ni Kathryn.


Kasabay nga nito ang pagbabahagi ng isang larawan ng ina ni Kathryn na si Mommy Min kung saan magkasama ang aktres, ang kaniyang pamangkin at nobyo nito na si Daniel Padilla nang binisita nila ang nasabing lote. Nilagyan din niya ito ng caption na “Soon!”. Nagkomento din naman ang isa sa mga host ng programa na si Karla Estrada na ina ni Daniel Padilla at sinabing napakaganda talaga ng “overlooking view” ng kanilang magiging tahanan. Plano ni Kathryn na masimulan na ang pagpapatayo ng kanilang tahanan ngayong taon.


Talaga namang hinangaan ng publiko si Kathryn dahil sa kaniyang pangarap para sa kaniyang pamilya. Tunay ngang hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon na makamit ang pinapangarap na buhay para sa kanilang pamilya at mahal sa buhay.