Masayang-masaya si Andi Eigenmann sa kanilang mga larawan kasama ang kaniyang bagong silang na sanggol na si Lilo!



Lahat naman tayo ay naghahangad at nangangarap magkaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya. Tunay nga na hindi lahat ng tao ay nabibiyaan ng pagkakataong magkaroon ng ganitong klase ng pagpapala.



Bagamat mayroong mga kabataan ngayon na walang nakagisnang mga magulang ay mayroon pa din naman silang mga lolo at lola o di kaya naman ay mga tito at tita na siyang nagsisilbing gabay nila sa pagharap nila sa mga hamon ng buhay. Kung kaya naman kung mayroon kayong kumpleto at masayang pamilya ay marapat lamang na ipagpasalamat ninyo ito at ipagmalaki dahil sa hindi lahat ng tao ay mayroong ganitong klaseng pamilya.


Gaya na lamang ng aktres na si Andi Eigenmann na kamakailan lamang ay nagsilang na ng kaniyan ikalawang anak. Ito ay ang una niyang anak sa kaniyang partner na si Philmar Alipayo at pinangalan nila itong Baby Lilo. Marami nga ang nagpaabot ng kanilang mga pagbati sa bagong miyembro ng pamilya ng aktres. Hindi din naman matatawaran ang saya na mababakas sa mukha ni Andi at ng kaniyang pamilya dahil sa panibagong blessing na dumating sa kanilang buhay.


Ang buong pangalan ng bago nilang prinsesa ay si baby Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o mas kilala nga bilang si Baby Lilo. Ayon din sa aktres, ang kaniyang mga anak ang kaniyang kalakasan at sila din ang dahilan ng kaniyang pagiging responsible. Bagamat hindi pa niya masyadong naisasaisip na dalawa na ang kaniyang mga supling ay talaga namang pinangungunahan na siya ng pananabik na magawa ang maraming mga bagay kasama ang kaniyang dalawang prinsesa.


Tunay ngang hindi madali ang pinagdaraanan ng isang ina habang ipinagbubuntis ang kanilang mga anak, hindi rin biro ang kanilang tiniis na paghihirap sa kanilang panganganak at kahit pa nga matapos na ito ay sadyang napakalaking responsibilidad pa rin para sa kanila ang pagpapalaki ng kanilang mga anak.






error: Content is protected !!