Raffy Tulfo itinanggi na kumikita ng 50 milyong piso ang mga YouTube video ng kaniyang programa, inamin din niyang pinapakain niya ng libre ang mga taong pumipila rito!



Hindi nga maipagkakaila na isa sa pinakasikat na personalidad ngayon si Raffy Tulfo na isang kilalang journalist. Talaga namang nag-viral ang radio program ni Raffy Tulfo at tinangkilik ng maraming mga Pilipino. Hindi na nakapagtataka na maging sa YouTube ay inaabangan ang mga video ng kanilang programa na kanilang ina-upload dito.



Ang kanilang programa ay mayroong pamagat na “Raffu Tulfo in Action”, ito ay isang programa sa radio kung saan nagbibigay ang programa ng tulong sa mga taong mahihirap, naagrabyado, at para sa mga taong nangangailangan nito. Ang programa na ito ay mayroong ding mga video sa YouTube na talaga namang kinasasabikang panuorin ng marami. Isa nga ang kanilang YouTube channel sa “most subscribed Filipino aacount” sa nasabing video sharing platform.


Diumano ay sadyang napakasikat ng programa at ito ay kumikita na ng nasa P50 milyong piso kada buwan sa YouTube ads nito. Agad namang itong pinabulaanan at itinanggi ng sikat na journalist. Siya ay kilala din ng marami bilang “Idol ng Bayan” at mariin niyang itinanggi na nakakakuha sila ng ganoong kalaking halaga ng salapi. Ayon na rin sa video na ibinahagi ng TV5 news reporter na si MJ Marfori ay nilinaw nga ni Raffy Tulfo na ang sinasabing P50 milyong piso ay “estimate” lamang daw ng mga lumalabas na artikulo patungkol dito.


“Nakakainsulto naman yan. Bakit di mo ginawang P100 million?”, ito ang pahayag ng sikat na TV at radio host.
“Walang katotohanan po iyon… Actually napanood ko rin iyon. Estimate lamang po iyon… Na puwedeng mangyari, at puwedeng ‘di mangyari. Baka mamaya, habulin ako ng BIR. Malayong-malayo po iyon. Trust me!”, dagdag pa ng popular na journalist.


Ayon pa sa kaniya, kung totoo man ang usap-usapan na kumikita sila ng P50 milyong piso kada buwan ay dapat sana ay nagmamaneho na siya ng mamahalin niyang sasakyan. Sapat lamang diumano ang kaniyang kinikita bilang “pangtawid gutom” at kaunting pangtulong sa ilang mga Pilipino na lumalapit sa kanilang programa.






error: Content is protected !!