Ellen Adarna, diumano ay nakipaghiwalay na kay John Lloyd Cruz!



Marami na tayong nababasa o napapanuod na mga kontrobersya at isyu ng mga iniidolo nating mga artista kahit noon pa man. At talaga namang hindi natin maitatanggi na labis din tayong naaapektuhan ng mga ito kahit pa nga sabihing mga tagahanga o tagasuporta lamang nila tayo.



Tulad na lamang halimbawa ng hindi inaasahang “indefinite leave” sa show business noon ng sikat at mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz upang pagtuunan ng pansinin ang ilang personal na bagay sa kaniyang buhay.


Hanggang umugong na nga ang usap-usapan na ipinagdadalang-tao ng aktres na si Ellen Adarna ang kanilang anak ni John Lloyd. Kalaunan ay napapatotohanan ang mga espekulasyon na ito kung saan paunti-unti na nga nilang inilalabas sa publiko ang kanilang anak na pinangalanan nilang si Elias Modesto.


Ngunit ngayon ay mayroon na namang bagong mga espekulasyon na kumakalat na diumano ay naghiwalay na raw ang dalawa. Ayon sa ilang ulat ay nagising na lamang daw ang aktres na si Ellen na ayaw na niya kay John Lloyd. Ayon pa sa ilang ulat ni Salve Asis, nakipaghiwalay na nga diumano si Ellen kay John Lloyd at pinagbawalan na niya itong lumapit sa kaniya. Tanging mga malalapit na kaibigan lamang ng dalawa ang nakakabatid ng tunay na estado ng relasyon ng dalawa.


Ayon pa sa ilang mga artikulo ay napapabalitang nasa Vietnam ang aktor na si Lloydie habang si Ellen naman ay kasama ang kanilang anak na si Elias Modesto sa Thailand kasama ang matalik na kaibigan nitong si Beauty Gonzales at anak niyang si Olivia Ines. Dito na nga lumabas ang ilang usap-usapan na nais lang talagang magkaanak ni Ellen kaysa mag-asawa. Ito ang naging payahag niya noong Pebrero 2017 sa isang panayam sa kaniya ng ABS-CBN: “I don’t want to get married. Maybe when I’m 40, gusto ko anak muna. And I talked to my parents about it already, and I just have to find a partner na may good genes,” ito ang matatandaang palliwanag ni Ellen noon.






error: Content is protected !!