Ronnie Liang malapit nang matupad ang kaniyang pangarap na maging isang ganap na piloto!



Si Ronnie Liang ay nakilala ng marami bilang isang sikat at mahusay na mang-aawit. Talaga namang hinangaan siya sa industriya ng show business hindi lamang sa angkin niyang kahusayan sa pagkanta kundi maging sa kaniyang kakisigan at angking kagwapuhan. Lingid sa kaalaman ng marami na hindi lamang pala pag-awit ang kaniyang hilig kundi pangarap din niyang maging isang mang-aawit kahit pa noong bata pa lamang siya.



Nagkaroon nga sila ng pag-uusap noon ng kaniyang ama habang sila ay nagwawalis ng kalsada kasama ang ilan niyang mga kapatid at nakakita sila ng lumilipad na eroplano, agad naman niyang sinabi sa ama na iyon ang kaniyang pangarap. Ngunit dahil na rin sa wala silang sapat na kakayahang pinansyal upang maging isang piloto ay pinaalalahanan siya ng kaniyang ama na mataas ang kaniyang pangarap.


Dahil nga alam na rin niyang hindi talaga magiging posible ang pangarap niya na makapagpalipad ng eroplano at maging isang piloto at kumuha na lamang siya ng ibang kurso sa kolehiyo. Sinuportahan niya ang kaniyang sarili sa kaniyang pag-aaral. Nagkaroon pa nga siya ng anim na iba’t-ibang mga trabaho habang siya ay nag-aaral. Siya ay naging isang crew sa fast-food at sa Video City, naging delivery boy din siya ng isang water-refilling station, nagtinda ng mga herbal products at nagiging modelo naman siya tuwing weekend. Matapos nito ay lumalahok lahok na nga siya sa mga singing contest kung saan siya ay nadiskubre at ito nga ang naging simula ng kaniyang karera.


At ngayon nga ay mayroon na siyang pagkakataon upang maisakatuparan ang matagal na niyang minimithi. Kasalukuyan siyang nag-aaral ngayon bilang isang piloto, at malapit nang matapos ang kaniyang “private pilot course”.


Sadyang napakapalad niya nga rin nang mayroong mag-alok sa kaniya ng isang endorsement ng isang Aviation Company na ka-tie up ng kaniyang eskwelahan kung kaya naman sila na ang sasagot ng kaniyang mga gastusin sa paaralan.






error: Content is protected !!