Geneva Cruz at Filipino-American niyang nobyo usap-usapan ngayon ng publiko!



Si Geneva Mendoza Cruz o mas kilala ng marami bilang si Geneva Cruz ay 43 taong gulang na aktres at mang-aawit. Dati din siyang miyembro ng music group na “Smokey Mountain”. Sa ngayon ay naninirahan siya sa Estados Unidos at nagtatrabaho bilang isang weight l0ss coach at may-ari ng isang spa roon. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na siya ay nanalo ng kauna-unahang Grand Prize Winner ng “The Voice of Asua” sa Alma-Ata, Kazakhstan, Russia taong 1992 kung saan siya rin ang pinakabata.



Hinangaan ng marami ang kaniyang angking galing sa pag-awit at ang kaniyang angking kagandahan. Kung kaya naman naging usap-usapan ng marami ang kaniyang buhay pag-ibig ngayon dahil na rin sa mga larawan na ibinabahagi niya sa social media. Simpleng caption lamang na “My Sweet” ang inilagay niya sa kaniyang mga ipinost na larawan online na kinakiligan naman talaga ng publiko. Ilan sa mga larawan nila ay kinuhanan sa Gum Wall kung saan bumisita ang dalawa na isang sikat na atraksyon sa Seattle, Washington, U.S.A.


Bagamat hindi binanggit ng U.S. based singer ang pagkakakilanlan ng nobyo ay ibinahagi naman nito na ang kaniyang nobyo ay Filipino-American at mula sa Virginia, U.S.A. Kasalukuyang nakatira si Geneva kasama ang kaniyang dalawang mga anak sa Amerika. Ayon sa ilang report noong 2015, si Geneva ay nagtatrabaho bilang isang nutritionist at spokesperson sa isang spa sa California. Siya ay dalawang beses nang ikinasal noon.


Una na rito ang kaniyang kasala sa una niyang asawa na si Paco Arespacochaga sa Tahoe, Nevada, U.S.A. noong Disyembre 1995. Kung saan biniyayaan sila ng 22-anyos na ngayon na anak na si Heaven. Ngunit idineklara din itong annulled noong 2001.


Taong 2004 naman nang ikasal siya sa TV host na si KC Montero sa Seattle, U.S.A. Ngunit taong 2010 nang maghiwalay ang dalawa. Si Lee Paulsen naman ang napabalitang huling nakarelasyon ni Geneva na isang Filipino-Australian, na-engage sila noong 2013 ngunit naghiwalay din matapos ang isang taon. Biniyayaan sila ng isang anak na babae na si London na ngayon ay limang taon na.



Source: Pep




error: Content is protected !!