Faroe Islands na mayroong “gender deficit”, nagnanais ng maraming mga kababaihan upang mas madagdagan pa ang kanilang populasyon!



Mayroong kakulangan sa mga kababaihan ang Faroe Islands na bahagi ng Kingdom of Denmark kung kaya naman ang mga kalalakihan dito ay naghahanap at nagnanais makapangasawa ng mga kababaihan sa ibang bansa tulad na lamang ng Thailand at Pilipinas. Sa kapuluan na ito ay nagtatagal ang “winter” o taglamig sa loob ng anim na buwan. Talaga namang malaki ang pagkakaiba ng kultura, klima, at tanawin dito.



Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 300 mga kababaihan mula sa Thailand at Pilipinas ang naninirahan sa Faroes. Hindi man malaki ang bilang na ito, sa 50,000 bilang ng mga tao rito ay isa na sila sa mayroong pinakamalaking ethnic minority sa 18 isla na matatagpuan sa Iceland at Norway.


Sa mga lumipas na taon ay nakaranas ang Faroes ng “population decline” dahil sa mga kabataang umaalis dahil sa edukasyon at hindi na muling nagbabalik pa. Dahil na nga rin dito ay nagpahayag ang kanilang Prime Minister na si Axel Johannesen na mayroong gender deficit na nararanasan ang Faroes na humigit kumulang 2,000 ang kakulangan ng mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.


Dahil dito ay pinangunahan na nga ng mga kalalakihan ang paghahanap ng kanilang magiging mga kabiyak sa iba pang mga bayan upang mas makahikayat sila ng mas maraming mga kababaihan sa kanilang lugar.


Sadyang makakaranas talaga ng “culture shock” ang sinumang magtutungo dito dahil na rin sa mayroong sariling lenggwahe ang Faroes mula sa “Old Norse” at kakaibang kultura lalo na sa pagkain. Ang kadalasang mga pagkain dito ay “fermented mutton”, “dried cod” at “occasional whale meat at blubber”.



Wala rin ditong mga tradisyunal na pampalasa at iba pang spices tulad ng sa maraming mga bansang Asyano. Malapit ang isla na ito sa Scotland at Norway ngunit hindi naman ito nagiging kasing lamig ng mga isla na ito. Ikaw gugustuhin mo din bang manirahan sa Faroe Islands?




error: Content is protected !!