Bagong look ni Claudine Barretto, labis na hinangaan ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta!



Si Claudine Margaret Castelo Barretto o mas kilala ng publiko bilang si Claudine Barretto ay 40 taong gulang na aktres, product endorser at entrepreneur. Siya rin ay tinagurian ding “Optimum Star”, isa siya sa pinakahahangaang aktres sa industriya ng show business. Ang pinakaunang palabas niya sa telebisyon ay ang youth-oriented variety show na “Ang TV” ng Kapamilya network noong 1992. Taong 1997 naman ng lubusan siyang nakilala ng marami dahil sa kaniyang natatanging pagganap sa “Mula Sa Puso” na ipinalabas ng higit sa tatlong taon. Mula noon ay nagsimula nang magningning ang kaniyang bituin bilang isang artista.


Ilang taon na rin ang lumipas mula nang huling mapanuod ang aktres na ito sa mga telebisyon at pelikula kung kaya naman marami sa kaniyang mga tagahanga ang talagang nananabik nang makita siyang muli sa harap ng kamera. Kamakailan nga lamang nang sorpresahin niya ang maraming mga netizen sa kaniyang maiksing buhok at bagong hitsura. Nito lamang Agosto 8 nang magbahagi ng kaniyang larawan ang celebrity make-up artist na si RB Chanco sa social media account nito. Talaga namang makikita ang angking kagandahan ng aktres at ang naging pagbabago ng kaniyang hitsura dahil sa kaniyang maiksing buhok.




Si RB Chanco ay isa sa pinakamahuhusay na make-up artist sa bansa kung kaya naman tinagurian din siya na “make-up artist to the stars”. Pinasalamatan din naman ni Claudine si RB dahil sa napakagandang pagkakaayos nito sa kaniya. Hindi rin naman ito nakalampas sa mapanuring mga mata ng publiko dahil sa marami ang nagpahayag ng mga positibong komento nila patungkol sa magandang ayos at kakaibang awra ngayon ng beteranang aktres.

Umani ng maraming mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang mga larawan ng aktres. Bukod pa rito ay mayroon din siyang larawan kasama ang kapwa niya artista na si Judy Ann Santos-Agoncillo kasama din nila ang anak ni Claudine na si Sab sa dinaluhan nilang event.





error: Content is protected !!