Kinilig ang publiko sa mga larawan at video nang magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli!



Hindi maikakaila na marami-rami na din tayong natunghayang loveteams sa industriya ng show business. Mayroong mga nagkakatuluyan sa totoong buhay ngunit mayroon din namang hindi pinapalad at nauuwi rin sa hiwalayan.



Nakakalungkot man ngunit kahit pa maraming tagahanga at tagasuporta ang ilan sa mga tambalang ito ay tinatanggap na lamang nila na hindi na talaga maaari pang ipilit ang pangarap ng maraming mga tagahanga, ang magkatuluyan ang kanilang mga iniidolo at magkaroon ng masaya at malaking pamilya.




Marahil ay isa na sa pinakaminamahal na tambalan ngayon ay ang tambalang Sarah Geronimo at nobyo nitong si Matteo Guidicelli. Simple lamang ang magkasintahan ngunit talaga namang nakakakilig at kamangha-mangha ang kanilang relasyon.




Nagsisilbi din silang inspirasyon sa maraming mga Pilipino. Kamakailan lamang ay namataan ang Kapamilya singer at Ultimate Pop Superstar na si Sarah Geronimo sa awarding ceremony ng nobyo nitong si Matteo Guidicelli! Pinuri ng marami ang pagiging supportive girlfriend ni Sarah G. sa kaniyang nobyo na si Matteo Guidicelli na ngayon ay isa nang 2nd Lt. Army Reserve ng ating bansa. Talaga namang umani ng maraming mga papuri at komento mula sa mga netizens ang mga larawan ng magkasintahan na magkasama sa naturang event. Ang tambalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at tinawag nang “AshMatt” ng kanilang mga tagahanga at taga-suporta.




Tunay nga na sinusuportahan nila ang bawat isa sa mga nais nila sa buhay. Bagamat mga sikat na silang mga artista ay mayroon pa din silang mga mithiin sa buhay na nais nilang mapagtagumpayan. Nakakamangha ang ganitong kaugalian ng mga iniidolo nating artista. Talaga namang inspirasyon sila sa maraming mga tao na kahit pa may edad na o di kaya naman ay marami nang nakamit sa buhay ay nagpupursige pa rin silang maisakatuparan ang kanilang pangarap noon.



 

View this post on Instagram

 

Someone’s shy haha ?? #AshMatt #SarahGeronimo #MatteoGuidicelli #SarahG • ? @mglifestyle_

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on

Si Sarah Asher Tua Geronimo o mas kilala ng marami bilang si Sarah Geronimo ay 31 taong gulang na mang-aawit, aktres, mananayaw, music at concert producer, composer at isang brand ambassador.




error: Content is protected !!