KC Concepcion naging emosyonal nang pag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon niya ng “separated parents”, Sharon Cuneta ay mensahe sa anak!



Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion o mas nakilala ng publiko bilang ang aktres at singer na si KC Concepcion. Siya ang nag-iisang anak nina Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta.

Siya rin ay isang songwriter, celebrity endorser, model, host, dancer, designer and entreprenyur. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang pagiging emosyonal nito nang mapag-usapan ang kaniyang mga magulang.



Nakapanayam siya ni Luchi Cruz Valdes sa programang “Usapang Real Life” sa TV5. Ang mga katagang binitawan ni KC ay talaga namang tatagos sa puso ng mga magulang at mga anak.

Ayon sa kaniya ay mayroon nang sariling pamilya ang kaniyang ina gayundin naman ang kaniyang ama. Mayroon na silang mga anak sa kanilang mga asawa.




“Mama ko kasi, she has her own family. My papa also has his own family. They’re both married, they both have children with their husbands and their wives,” pahayag ni KC.

Dahil sa mayroon nang mga pamilya ang kaniyang mga magulang ay wala siyang ibang ninais kung hindi ang mayroong mapatunayan sa kanila at maging proud sila sa kaniya. Hindi rin naman napigilan ni Megastar Sharon ang kaniyang damdamin bilang isang ina at nagpahayag ng tunay niyang saloobin patungkol sa naging pagbabahaging ito ng kaniyang panganay.

Ayon sa beteranang singer at aktres ay hindi magbabago kailanman ang katotohanan na siya ang unang nagparamdam sa kanila ni Gabby ang sarap sa pakiramdam ng pagiging isang magulang at mananatili siyang anak nila habang buhay. Marami sa ating mga Pilipino ang tulad rin ni KC na nakakaranas ng ganitong pakiramdam.

Bagamat hindi naman nais ng mga anak na makaramdam ng pag-iisa dahil sa ang kaniyang mga magulang ay pareho nang ikinasal sa kanilang mga bagong asawa. Hindi maiiwasan ang ganitong klase ng pakiramdam para sa mga naiwang anak ngunit si KC ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa publiko dahil sa halip na magalit o magtanim ng sama ng loob sa kaniyang mga magulang ay mas nagpursige siya upang maging matagumpay siya sa buhay.




error: Content is protected !!