Dawn Zulueta hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang “ageless beauty” sa mga larawang ito!



Si Maria Rachel Taleon Salman ay mas kilala ng publiko bilang si Dawn Zulueta. Siya ay isa sa mga sikat na Pilipinong artista na tila hindi na tumatanda pa mula nang una siyang Makita sa kaniyang popular na “toothpaste commercial” at pelikula noong taong 1986. Kilala din siya bilang isa sa pinakamagagandang mukha sa industriya ng show business. Nito lamang ika-apat ng Marso ay ipinagdiwang niya ang kaniyang ika-limampung kaarawan, ngunit kahit pa nga soya ay 50 taong gulang na ay sadyang napakabata pa rin niyang tingnan lalo na sa kaniyang mga larawan. Kung kaya naman maraming mga tao ang naiinggit sa kaniya dahil sa halip na tumanda ay tila mas bumabata pa ito sa paglipas ng panahon.

Sa kaniyang Instagram account, ang beteranang aktres at ina ng dalawang mapapalad at magagandang mga bata ay ibinahagi niya ang ilan sa kaniyang mga larawan noong kaniyang kabataan. Ang mga larawan na ito ay umani ng samu’t-saring mga komento at papuri lalo na at halos tatlong dekada na rin ang nakalilipas mula nang kuhanan ang mga larawang ito.



THE DAWN OF RETRO (1989)


Ito ang “circa fashion sh00t” noon ng beteranang aktres.


SMILE SINCE ’83 (1983)


Labing-apat na taong g ulang lamang si Dawn sa larawan na ito habang kasama ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan.


ROCKIN’ THE EARRINGS (early ‘90s)


Makikita ang kakaibang Dawn Zulueta sa larawan na ito talaga namang dumagdag pa sa kaniyang angking kagandahan ang kaniyang “heavy metal earrings”.



STILL LOOKING 18! (1987)

Ito ang nakitang larawan ng mahusay na aktres noong 18 taong gulang pa lamang siya na punong-puno ng pangarap para sa kaniyang kinabukasan.

SLAYING THE KABAYO-TIC FALSIES




Ito naman ay kuha mula sa isang fashion sh00t noong 1994.

DECADE DIVA! (2009)


Ang nakabibighaning larawan na ito ng aktres ay nakuhanan sa isang “summer campaign fashion sh00t” sa isang Pear farm.

MET GALA PIONEER (1986)


Talaga namang mapapa-wow ka sa larawan ni Dawn Zulueta para sa 1986 Met Gala.

BEEHIVE BEAUTY (1994)


Kakaibang awra at personalidad naman ng aktres ang makikita sa larawan niyang ito tampok ang usong ayos ng buhok noong 1994.

SHORT BUT SWEET (2004)


Sadyang napakaaliwalas at napakaningning ng kaniyang angking kagandahan na animo ay isang Dyosa!

1988 BOMBSHELL


Labingsiyam na taong gulang naman si Dawn Zulueta sa larawan niyang ito.

SLAYIN’ IN ‘89


Ang larawan ni Dawn ay kuha sa Circa 1989.

SOME THINGS NEVER CHANGE (2016)


Sa edad na 47 ay talaga namang aakalain mong nasa bente anyos pa lamang siya!

Source: pikapika




error: Content is protected !!