Wedding cake ng mag-asawa na ito, umani ng sari-saring komento mula sa publiko!

Ang mag-asawa na ito ay walang sapat na pera upang makabili ng tradisyonal na wedding cake na mayroong puting “icing”, o di kaya naman ay mamahaling kasuotan para sa bride at groom. Wala man silang pangbili ng magagarang laso at iba’t-ibang klase ng bulaklak para sa kanilang kasal ay talaga namang labis na hinangaan ang mag-asawa ito dahil sa kahit pa nga simple lamang ang kanilang kasal ay hindi nila hinahayaang maging hadlang ang kahirapan o kasalatan sa material na bagay upang matuloy ang sagradong seremonyang ito para sa kanilang pag-iibigan.

Marahil ay hindi na bago sa atin ang mga taong nagnanais nang mga enggrandeng handaan o selebrasyon kahit pa nga ipangutang ang kanilang mga ihahandang pagkain para sa kanilang mga bisita makapagyabang lamang sa maraming mga tao. Kung kaya naman marami talaga ang namangha sa mag-asawang ito na kahit pa nga wala silang masyadong salapi ay nakaisip pa din sila ng alternatibong paraan para sa kanilang “wedding cake”. Maaaring mahalaga ang pagkakaroon ng isang “wedding cake” sa anumang uri ng kasalan, ngunit ang mga ganitong uri ng handa ay sadyang pangalawa na lamang sa mga pinakamahalagang bagay sa isang kasalan dahil sa ang katotohanan ay mas mahalaga talaga ang lalaki at babae na ikakasal sa araw na yaon.
Hindi nga tulad ng ibang mga tao na mapagpanggap at ang nais lamang ay makapagyabang, ang pangyayaring ito ay nagpapaalala lamang sa ating lahat na hindi lamang material na bagay o malaking halaga ng salapi ang magpapasaya o ang bubuhay sa isang tao. Mas mainam din namam na pahalagahan din natin ang mga bagay na hindi nakikita tulad na lamang ng pagmamahalan o ang pag-iibigan ng dalawang tao at ang pagiging kuntento nila sa mga bagay na mayroon sila o yung mga bagay na kaya lamang nila ng mga panahong yun.



error: Content is protected !!