Hollywood star na si Sylvester Stallone pinuri ang misis sa maayos na pagpapalaki ng kanilang tatlong mga anak!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga ng publiko ang naging tagumpay ng mga anak ng sikat na Hollywood star na si Sylvester Stallone. Ito ay matapos tanghalin ng Hollywood Foreign Press Association (HFPA) na ang kaniyang tatlong mga anak na babae ay tinanggal bilang “Miss Golden Globes” ng taong 2017. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang award body na ito ay kikilala ng tatlong mga naggagandahang dilag ng sabay-sabay at magkakapatid pa sila. Hindi naman mapigilan ng kanilang ama ang labis na kagalakan sa bagong tagumpay na nakamit ng kaniyang mga anak.


Tunay nga na ang tagumpay ng kanilang mga anak ay tagumpay dun nilang mag-asawa lalo na ng kaniyang misis na si Jennifer Flavin na pinapurihan niya sa lahat ng mga nagawa at ginagawa nito para sa kaniyang mga anak at sa kanilang pamilya. Narito ang kaniyang naging pahayag:




“I have to give Jennifer all the credit. I’m stunned that life has moved by so quickly, and my daughters turned out so wonderfully.” Ang 70 taong gulang na aktor, direktor, at producer ay talaga namang pinagpala dahil mayroon siyang masayang pamilya.


Ang kaniyang 48 anyos na asawa ay talaga namang napalaki ng mabuti ang kanilang mga anak kung kaya naman hindi na nakapagtataka na makilala at parangalan silang tatlo sa kanilang napiling larangan.


Ang kaniyang bunso na su Scarlet ay 14 na taong gulang pa lamang. Siya ay isang mahusay na atleta. Ang kaniyang panganay naman na si Sophia na 20 taong gulang na ay isang mag-aaral sa University of Southern California (USC) na itinuturing bilang isa sa pinakanangungunang private research university sa buong mundo. Habang ang 18 taong gulang na si Sistine ay malayo na rin ang nararating sa pagmomodelo kagaya na lamang ng kaniyang ina.



Tunay nga na napakapalad ni Sylvester na magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya at magkaroon ng mga anak na mayroong pangarap sa buhay na talaga namang gumagawa ng sarili nilang mga pangalan para na din sa kanilang magandang kinabukasan.




error: Content is protected !!