Isang nanay kasabay pumasok ng kaniyang anak sa kanilang paaralan bilang Grade 1 student!



Napukaw ang atensyon ng maraming mga Pilipino sa kwento ng mag-ina na ito kung saan ang isang ina ay kasabay ang kaniyang anak dahil sa pagbabalik eskwela nito sa kabila ng kaniyang edad. Ito ay nasaksihan sa isang dokumentaryo na “Reel Time”. Tinampok dito ang istorya ni nanay Monalisa at anak nitong si Norelyn na parehong nasa unang baitang sa Tarug Elementary School sa Marinduque.



Nagtulong-tulong ang mga guro mula sa Tarug Elementary School kaisa ang Teacher-In-Charge na si Mr. Darwin Pilar upang makumbinsi ang ina na magpatuloy sa pag-aaral nito. Hinangaan ng marami ang kanilang pagnanais na magabayan At matulungan ang mag-ina upang hindi na matulad pa si Norelyn sa kalagayan ng ina.


Kung noon ay hindi marunong bumasa at sumulat si Nanay Monalisa, ngayon ay medyo natututo na ito na talaga namang ikinatuwa ng kaniyang anak. Si Norelyn ang tumutulong sa kaniyang ina pagdating sa pagsasagot ng mga takdang-aralin nila sa paaralan.



Ayon naman sa guro ng mag-ina na si Ginang Enrile Palermo kung ang ibang mga bata sa ngayon ay advanced ang kaisipan, pagdating kay Nanay Monalisa ay inuunti-unti nila ito dahil sa mabilis siyang mapagod at mainipin. Kadalasan din na pag-trace ng iba’t-ibang mga hugis at letra ang ipinapagawa nila sa kaniya. Hirap magsulat si Nanay Monalisa ng kaniyang buong pangalan lalo na kung walang gabay mula sa ibang tao.


Ayon din sa dokyu, hindi nakapag-aral ang matanda noong kabataan niya dahil sa nagkasakit ito ng “polio” at hindi rin naglalalabas ng kanilang bahay, maging ang kaniyang edad ay hindi niya rin batid. Nakatira ang mag-ina sa isang barong-barong kasama ang haligi ng kanilang tahanan na talaga namang suportado ang pagbabalik eskwela ng kaniyang kabiyak. Ang mahirap na kalagayan ng mag-ina ay umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko. Mayroon ding mga mabubuting tao na nagpaabot ng tulong para sa pamilyang ito.




error: Content is protected !!