Scarlet Snow Belo tinuruan ng ballet lessons ni “Snow White” ng Ballet Manila!



Hindi na bago sa kaisipan ng maraming mga batang babae ang mangarap na maging isang prinsesa o di kaya naman ay isang ballerina balang araw. Ngunit para sa celebrity daughter na si Scarlet Snow, maaari siyang mangarap maging isang ballerina at prinsesa ng sabay! Ang sikat na anak ng celebrity doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho ay nagkaroon ng isang pambihirang pagkakataon upang makilala at makakwentuhan ang isang napakagandang binibini na si Joan Emery Sia. Siya lang naman ang gumaganap bilang si Snow White sa Ballet Manila.



Nasubukan ni Scarlet Snow ang mag-tiptoe, mag-pose, mag-spin at kahit mag-Piroutte sila nang sabay ni Snow White. Talaga namang manghang-mangha si Scarlet Snow sa napakahinhin na paggalaw at pagsasalita ng binibini. Sa Instagram mismo ni Scarlet Snow ay nagbahagi ito ng isang videoclip ng kaniyang mini ballet recital kasama si “Snow White”.
Ito ang naging caption ng cute na cute na si Scarlet Snow: “I had the strangest afternoon today. The real Snow White visited me in my playroom and invited me to watch her dance in @balletmanila’s Snow White” on September 7 & 8. Should I go? Do you think the seven dwarves will be there too? Would you come with me?”


Tinutukoy niya ang nalalapit na palabas ni Lisa Macuja Elizalde na “Snow White” at the Aliw Theather na gaganapinsa ika-7 at ika-8 ng Setyembre. Pinasalamatan din naman ni Dra. Belo si “Snow White” dahil sa kaniyang pagbisita sa anak at pagtuturo sa munti niyang prinsesa ng mga basic steps ng ballet na talaga namang ikinasaya ng bata.


Dahil nga kilalang-kilala at sikat na sikat si Scarlet Snow sa social media ay hindi na kataka-taka na bumilib, at mamangha sa kaniya ang higit sa 3.4 milyon niyang mga tagasubaybay. Dahil sa nakakatuwa at napaka-cute niyang performance habang tinuturuan siya mag-ballet ni “Snow White”.



Tunay ngang marami sa ating mga Pilipino ang giliw na giliw sa mga batang matatalino, magagalang, at may respeto sa nakatatanda. Dumaragdag pa ang kanilang kalikutan, kaharutan, at ang kanilang pagiging natural na bata.




error: Content is protected !!