Bea Alonzo pa-chill chill lang sa kabila ng mga banat ng kampo ni Gerald Anderson at Julia Barretto laban sa kaniya!



Magpasahanggang ngayon nga ay hindi pa rin namamatay ang usap-usapan patungkol sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga Kapamilya artists na sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto. Maaalalang nagimbal ang buong social media community dahil sa diumanong pagiging dahilan ni Julia Barretto sa hiwalang Bea at Gerald dahil na rin sa mga sweet na larawan nina Julia at Gerald na kumakalat sa social media.



Nanatiling tahimik ang aktres na si Bea hanggang nagsalita ito patungkol sa diumano ay ginawang “ghosting” sa kaniya ng dating nobyo na Gerald. Ayon daw sa pagkakaintindi ni Bea ay hindi sila naghiwalay, bagkus ay bigla na lamang siyang hindi kinausap ng aktor. Matapos pa nga ng mga pahayag na ito ni Bea ay nagkaroon pa ng panayam si Gerald kung saan ipinapaliwanag niya ang kaniyang panig sa nasabing isyu.


Isang araw matapos nito ay nagbahagi din ng pahayag si Julia sa kaniyang social media account kung saan nagbitaw siya ng mga maiinit na pahayag laban kay Bea.
Sa kabila ng mga maanghang na pahayag na ito ay nananatiling tahimik si Bea at makalipas pa nga ang ilang mga araw ay ang ina naman ni Gerald ang nagpahayag ng kaniyang saloobin patungkol sa isyu.


Ayon kay Mommy Vangie sa panayam niya noong Biyernes ika-23 ng Agosto sa TV Patrol South Central Mindanao ay ipinahayag niyang labis siyang nasakatan dahil sa ginawa ni Bea na pagpapalaki ng isyu na dapat sana ay sa kanilang dalawa na lamang ni Gerald. Dagdag pa niya ay hindi naman niya talaga gusto ang aktres para sa kaniyang anak ngunit wala itong magawa dahil sa ginusto ito ng kaniyang anak. Hanggang ngayon ay wala pa ring sagot ang aktres.



Ang kadalasang makikita lamang sa kaniyang social media account ay ang kaniyang pagiging positibo at ang kaniyang magagandang mga larawan. Kagaya na lamang ng larawang ibinahagi niya nito lamang Agosto 27 kung saan siya ay nakasuot ng balabal at mayroon itong caption na:
“Chillin’ while thinking of writing letters to myself just so I’m reminded that I am constantly surrounded by love.”

Source: Pep




error: Content is protected !!