Lalaki, hindi na itinuloy ang kasal sa kaniyang kinakasama dahil napanuod nito ang kaniyang video sa isang website!



Napakasarap siguro sa pakiramdam na maglaan ng oras at panahon sa paghahanda ng araw ng iyong kasal sa tao na iyong minamahal. Hindi ito magiging madaling proseso at talaga namang paglalaanan mo ng panahon at salapi. Ngunit hindi inaasahan ng babaeng ikakasal na hindi na matutuloy pa ang kanilang pag-iisang dibdib.



Isang lalaki ang gumagawa lamang diumano ng “research” noon nang bigla na lamang siyang makakita ng ilang videos ng kaniyang pakakasalan sa ilang mga websites. Matapos na hindi na nito ituloy pa ang kanilang kasal ay agad na lumapit at humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo ang babae.


Si Rosaila Vista ay humingi ng tulong aa “Raffy Tulfo in Action” nang kanselahin ng kaniyang “fiancé” ang kanilang kasal nang dahil lamang diumano sa mga videos na napanuod nito sa mga websites.


Nakahanda na ang lahat para sa kanilang kasal at talaga namang excited na ang lahat. Mayroon na rin silang magkatulad na engagement at wedding rings, nakapagbigay na rin sila ng imbitasyon sa kanilang mga bisita, maging ang kanilang mga suppliers at wedding venue ay bayad na rin ngunit kinansela pa din ni Grobeline Austria na dapat sana ay idadaos ng Oktubre 28. Kahit pa nga mayroon na silang tatlong mga anak ay hindi pa rin nagdalawang-isip ang lalaki na hindi na ituloy pa ang kanilang kasal dahil sa mga videos na kaniyang sinasabi.


Ayon kay Rosalia, ang 11-anyos nilang anak na babae ay labis nang naapektuhan dahil sa argumento nilang dalawa at sa pagkakansela ng kanilang kasal. Pilit na itinatanggi ni Rosalia na siya ang nasa mga video ngunit iginigiit naman ni Grobeline na siya talaga iyon. Ayon pa sa kaniya, sa 13 taon nilang magkasama ay alam na alam na niya ang katawan nito, lalo na ang mga peklat at nunal nito sa hita na kitang-kita sa mga video.






error: Content is protected !!