Pilipinang sundalo, hindi napigilang manggigil sa mga cute na batang ito sa kabundukan!



Sabi ng mga matatanda, kung pipili ka raw ng isang trabaho ay siguraduhin mong hilig, interes, at talagang pangarap mo ito. Dahil dito ay hindi mo na mararanasan kailanman ang hirap at mga problema na kakaharapin mo sa iyong pagtatrabaho.



Ginagawa mo kasi ang bagay na makapagpapasaya sa iyo. Tulad na lamang halimbawa ng netizen na ito na bagamat isang babae ay hindi alintana ang panganib at mga sakripisyo ng isang sundalo.

Talaga namang mababakas sa kaniyang mga mata at sa mga larawang ibinahagi niya sa kaniyang social media account ang labis na kagalakan sa kaniyang trabaho. Sa naging social media post kasi ng netizen at sundalong si Eunes Baguio ay sadyang napakalayo ng kaniyang nilakad ngunit hindi niya lubos akalaing makakatagpo siya ng sobrang lulusog na mga bata sa kabundukan mismo!


Ang tatlong mga paslit na kasama niya sa kaniyang mga larawan ay pumukaw din sa atensyon ng publiko. Madalas kasing payat o di kaya ay sakto lamang ang mga katawan ng mga batang nakatira sa kabundukan ngunit ang tatlong mga batang ito ay talaga namang malulusog.




Usap-usapan pa nga ang publiko kung kambal ang dalawa sa mga batang ito dahil sa talagang magkamukha sila at tila pareho lang din sila ng edad. Marahil ay nahihiya pa ang mga batang ito dahil sa hindi naman sila madalas na makakita ng mga sundalo o ng ibang taong dumadalaw sa kanilang lugar.

Bihira silang makuhanan ng larawan habang nakangiti ngunit kahit pa ganito ay talaga namang cute na cute pa rin sa kanila ang maraming mga netizens. Hindi naman maikakailang marami sa ating mga Pilipino ang talagang mapagmahal pagdating sa mga bata.

Binigyan din naman ng Pilipinang sundalo ng munting tsokolate ang mga bata upang kahit papaano ay matuwa ang mga ito. Payak at simple man ang pamumuhay ng mga batang ito ay talaga namang makikita sa kanilang pangangatawan ang pagiging malusog at malakas.




error: Content is protected !!