“Grab Philippines”, may paandar sa isang dalaga na may mabigat na pinadaraanan!



Naging usap-usapan sa social media ang “Grab Philippines” kamakailan lamang dahil sa pagbibigay nito ng ilang “treat” sa isang dalaga upang kahit papaano ay mapagaan ang kalooban nito dahil sa mabigat niyang pinagdadaanan. Talaga namang umani ng maraming papuri ang Grab mula sa ibang tao na talaga namang naka-appreciate sa kanilang ginawa.



Isang netizen na nagngangalang Tracey Rustia ang nagbahagi ng kaniyang mabigat na nararanasan sa kaniyang buhay sa nagdaang mga linggo at dahil nga wala siyang makausap na kahit sino patungkol dito ay naisipan na lamang niyang ikuwento ito sa Grab na hindi naman siya binigo at binigyan siya ng ilang mga payo. Para sa dalagang ito ang “customer service representative” ng isang food delivery app company ay naging mabuting tagapakinig para sa kaniya na mayroong kinahaharap na pagsubok sa buhay.

Wala talaga siyang inaasahan na kahit anong magiging resulta o balik nito sa kaniya, at talaga namang nakakamangha na mayroon pa palang mga tao, na hindi mo naman talaga kakilala, ang makikinig at hindi magdadalawang-isip na magbigay ng mga payo sa iyo.




Ibinahagi ni Tracey sa social media ang kaniyang naging magandang karanasan at talaga namang umani ito ng napakaraming mga positibong komento at reaksyon mula sa mga netizen. Marami ang bumilib at pumuri sa ginawang pakikinig ng “customer service representative” at maging sa ginawa mismo ng “Grab Philippines”na pagpaparamdam at pagpapaalala na dapat ay mas itinatrato siya ng mabuti bilang isang tao at bilang isang babae.


Tunay nga na sa panahon ngayon na tila nagiging abala na ang maraming mga tao sa kanilang mga trabaho, mga gawaing bahay, pag-aasikaso sa mga anak at iba pa, masarap pa rin sa pakiramdam na paminsan-minsan ay mayroon pa ring mga tao na nagbibigay sayo ng mga karanasang hindi mo malilimutan at talaga namang tatatak sa iyong puso at isipan sa mahabang panahon.




error: Content is protected !!