Isang tapat na empleyado nakatanggap ng iskolarsyip matapos niyang magsauli ng bag na naglalaman ng P200,000!



Isang trabahador sa gasolinahan ang nagbalik ng bag na mayroong laman na P200,000 na gagamitin sana para sa instrams ng isang eskwelahan. Dahil dito ay ginawaran siya ng gantimpalang pera at apat na taong iskolarsyip sa isang paaralan dahil sa kaniyang pambihirang katapatan!



Si Abigail Degamo ay nakaduty noon sa isang estasyon ng gasolinahan sa Davao City nang mayroon siyang makita na bag sa kalapit na kalye. Nalaglag ito sa isang traysikel ngunit hindi niya malaman kung saan at ano sa mga traysikel na nagdaan. Nang silipin niya ang laman ng bag na kaniyang napulot ay nagulat siya nang makita ang malaking halaga ng salapi sa loob nito, P200,000!


Sa halip na matukso siyang itabi at gastusin na lamang para sa sarili ang napulot na salapi ay ginawa niya ang nararapat niyang gawin sa natagpuan niyang bag. Ayon pa sa kaniya, maaaring madali lang gumastos at mag-ubos ng pera ngunit mahirap din naman kasing gastusin ang hindi mo pera lalo at makokonsensiya ka lang sa bawat paggastos mo nito at iisipin kung ano ang mararamdaman ng tunay na may-ari ng pera na ito.


Kung kaya naman agad siyang nagtungo sa isang lokal na estasyon nh ABS-CBN upang manawagan at maibalik ang bag sa tunay na nagmamay-ari nito. Ang may-ari pala ng bag ay si Cheryl Apilan. Siya ang kawani ng Student Affairs Office ng Davao Merchant Marine Academy College ng Katimugang bahagi ng Pilipinas. Tila nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib dahil sa naibalik muli sa kaniya ang pera ng kanilang paaralan para sa kanilang intramurals.


Talaga namang ikinatuwa niya ang katapatan ni Abigail kung kaya naman nang malaman niyang nag-aaral ito sa Alternative Learning System (ALS), ay ginawaran siya ng apat na taong full scholarship sa paaralan bukod pa sa cash reward na kaniyang natanggap. Tunay nga na ang katapatan ay hindi matatawaran ng kahit gaano man kalaking halaga ng salapi.






error: Content is protected !!