Eric Fructuoso inintriga ang mga netizen sa kaniyang post patungkol sa pagiging tricycle driver niya!



Si Frederick John Marco Magdaluyo Fructuoso o mas nakilala ng publiko bilang si Eric Fructuoso ay ang 44 na taog gulang na aktor, komedyante, at dating hiphop dancer. Sumikat siya noong 1990s bilang isa sa mga miyembro ng “Gwapings” kasama sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, at kalaunan ay kasama na rin si Jao Mapa.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan siya sa social media dahil sa kaniyang post patungkol sa pagiginh tricycle driver niya sa gitna ng nararanasan natin ngayon na pandemya.



“Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang nang tirahin!” Pahayag ni Eric.

Ayon kay sa aktor, sa panahon natin ngayon ay wala na dapat pang pinipiling trabaho lalo na kung para sa kapakanan ng mga anak ang pag-uusapan. Mas mainam ang maging madiskarte kaysa naman ang magutom ang pamilya.


Maraming mga netizens ang nagkomento sa viral post niyang ito. Batid naman ng marami sa atin ang hirap na pinagdaraanan natin ngayon, marami ang nahahawa ng sakit, nasasawi, marami din ang nawalan ng trabaho at namomroblema sa ngayon dahil sa hindi nila alam kung ano ang gagawin nila para kumita ng pera pangsuporta sa kanilang mga pamilya.



Marahil ay nararapat lamang na sa mahirap na panahon ngayon ay mas maging mapagpasalamat at madiskarte tayo. Hindi rin dapat kalimutan ang pagtitipid at pag-iipon upang sa oras ng kagipitan ay mayroon tayong mahuhugot na pera.


Samantala binigyang linaw din naman ni Eric sa kaniyang social media post na hindi siya nagtatrabaho bilang isang tricycle driver sa ngayon ngunit kung hihingin ng pagkakataon ay hindi siya magdadalawang-isip na gawin ito. Ang aktor ay 16 na taon nang kasal sa kaniyang non-showbiz wife na si Gian at biniyayaan sila ng apat na mga anak.

Mayroon din siyang isang anak sa dati niyang nakarelasyon.




error: Content is protected !!