Mabuting Samaritano binilhan ng pagkain ng gutom na ama at anak nitong umiiyak sa bangketa!



Isang mabuting Samaritano ang naging usap-usapan sa social media dahil sa kaniyang kahanga-hangang pagtulong sa isang ama at sa anak nitong umiiyak sa bangketa malapit sa isang convenience store. Sa ibinahaging post sa “HANEP TV”, ilang mga larawan ng mag-ama ang pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens. Ang mag-ama ay mula pa sa malayong probinsiya, wala ring detalye kung saan kuha ang mga larawang ito o kung nasaan naroroon ang mga mag-ama.


Ngunit ayon sa viral na post, nasa labas lamang ng convenience store ang dalawa dahil wala silang perang pamasahe pauwi sa kanilang probinsiya at tila gutom na gutom na rin sila nung mga panahong iyon. Halos maiyak na rin ang ama sa kanilang kalagayan dahil umiiyak na rin sa gutom ang kaniyang anak.




Buti na lamang ay mayroong isang mabuting Samaritano na tumulong sa kanila na nakilala bilang si Jheff Villasista Balayan, napadaan siya noon sa lugar nang makita niya ang nakakaantig na sitwasyon ng mag-ama. Hindi na siya nagdalawang-isip pang tulungan ang mag-ama kaagad. Bumili ng kaunting makakain ang binata para sa mag-ama. Binilhan niya ng isang pack na gatas ang bata, kaunting pagkain para sa mag-ama, at perang pamasahe upang makauwi na sila sa kanilang tahanan.


Nakita naman ng isa pang netizen ang ginawa na ito ni Jheff na bagamat hindi na ninais pang makilala siya sa kaniyang ginawang tulong ay talagang kumalat pa ang kaniyang larawan sa social media. Tunay ngang mayroon pa ring mga tao ang mayroong malasakit at pagmamahal sa kanilang kapwa tao. Nakakamangha na ilan sa mga taong may mabubuting kalooban ay nakakapagbigay din ng inspirasyon sa maraming mga tao.


Aminin man natin o hindi, tayong mga Pilipino ay mayroong malambot na puso lalo na sa mga taong nangangailangan at kapos sa buhay. Tiyak na mas maraming mga Pilipino ang magnanais pa na tumulong sa kanilang kapwa dahil dito.




error: Content is protected !!