“I’ve been waiting for her”, sambit ni Beauty Gonzales patungkol sa diumano ay pagbabalik show business ni Ellen Adarna!



Binasag na nga ni Beauty Gonzales a ng kaniyang katahimikan patungkol sa mga bali-balitang magbabalik na sa showbiz ang matalik niyang kaibigan na si Ellen Adarna. Kamakailan lamang ay nagulat ang marami ng mamataan ang huli sa isang beauty advertisement ilang taon matapos ang kaniyang paglisan sa maingay na mundo ng showbiz. Bagamat wala pang kumpirmasyon kung magbabalik na ngang muli sa harap ng kamera ang kilalang aktres at modelo ay talaga namang nanabik na ang kaniyang mga taga-suporta at taga-hanga. Ngunit tila wala nang mas sasaya pa sa matalik niyang kaibigan na si Beauty Gonzales sa diumano ay muli niyang pagbabalik. Nilinaw din naman ng Kadenang Ginto star na hindi siya sigurado kung totoo na nga ba ang pagbabalik ni Ellen sa industriya ng show business.



Narito ang ibinahagi niyang komento sa PEP patungkol sa isyu:
““I mean I’ve been waiting for it and sana bumalik siya. It’s up to her naman e kung babalik siya o hindi. Pero I think she’s open lang for endorsements ganon, hindi na siguro yung acting-acting kasi she’s really full time mom right now.”


Ibinahagi din naman ni Beauty kung paano nabago ang buhay nila lalo na at pareho na silang mga ina ngayon. Bagamat aktibo ngayon sa pag-arte si Beauty, inamin niyang magkaiba ang mga prayoridad nila sa ngayon. “Pareho kaming dalawa, umikot talaga ng 360 ‘yung buhay namin. Siyempre iba na talaga kapag may anak ka, hindi ka na pwedeng pa-happy happy na lang”, pahayag ni Beauty.


Samantala, nanatiling tikom ang kaniyang bibig sa diumano ay paghihiwalay nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Noong nakaraang buwang nga lamang ay nag-enjoy ang mag-bestfriend sa naging bakasyon nila sa Thailand.  “Hindi ko alam ang pinagdadaanan nila kasi nung nando’n kami sa Bangkok, wala akong yaya, so wala kaming time mag-chikahan kasi ako nag aalaga sa anak ko… Hindi ko alam kung ano talaga ang sitwasyon nila e.”, dagdag pa ni Beauty.





error: Content is protected !!