Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto masayang nagtatampisaw sa ulan kasama ang kanilang mga anak!



Marahil madalas na nating naririnig sa maraming mga tao ngayon na napakasarap maging isang bata, kung maaari lang ibalik ang mga panahon ng ating kabataan tiyak na marami-rami din ang hindi magdadalawang isip na gawin ito. Ang mga kabataan noon, sadyang napakaliit lamang ng problema, yun ay kung paano sila maglalaro at kung ano ang mga laro na kanilang lalaruin. Tila mga walang kapaguran at walang katapusan ang enerhiyang dumadaloy sa kanilang mga katawan.



Mga inosenteng bata na walang ibang mahalaga para sa kanila kundi ang makalaro ang kanilang mga kaibigan, pumasok sa eskwela at matulog sa tamang oras. Tiyak na marami na sa ating mga hindi na masyadong bata ang tila nagnanais na rin bumalik sa ating mga kabataan.




Ngunit aminin man natin o hindi marami tayong natutunan sa ating kabataan, maaaring hindi lahat ay masaya ngunit ilan sa mga ito ang nagamit din naman natin upang maging matagumpay tayo sa ngayon.




Isa na marahil sa mga nakakamiss na gawain ng mga kabataan ay ang magtampisaw sa ulan. Tiyak na nasubukan mo din iyon noong bata ka pa at hanggang sa ngayon ay iba pa rin ang saya na naidudulot nito sa iyo. Kagaya na lamang ng napakasayang bonding ng pamilyang ito sa gitna ng ulan. Talaga namang nakakainggit kung iyong pagmamasdan ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Isa na siguro sa mga hinahanggaan na celebrity couple ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto.




Sa video na ibinahagi nila sa social media ay talaga namang kitang-kita ang umaapaw na kaligayahan ng kanilang mga anak at maging silang mag-asawa sa pagtatampisaw nila sa ulan. Higit pa sa pagsasaya nilang ito ay ang kanilang pagpapasalamat sa mga pagpapala na kanilang natatanggap lalo na ang pagkakaroon nila ng isang masaya at kumpletong pamilya. Umani ng sari-saring mga komento mula sa netizen ang video na ito ng pamilya Sotto.






error: Content is protected !!