Larawan ni Zia Dantes na tila nagrerecording inulan ng maraming mga komento at reaksyon ng paghanga mula sa publiko!



Isa na marahil sa pinakahinahangaang celebrity couple sa industriya ng show business ay ang mag-asawang Dindong at Marian Rivera-Dantes. Tunay ngang hindi lamang sila ilan sa pinakamagagaling na aktor at aktres ng kanilang henerasyon bagkus talaga namang talentado din silang mag-asawa. Si Marian Rivera Gracia-Dantes ay 35 taong gulang na aktres at endorser. Nakilala siya sa kaniyang mahusay na pagganap sa ilang mga programa sa GMA network gaya na lamang ng MariMar, Dyesebel, Amaya, at Temptation of Wife.



Disyembre 30, 2014 nang ikasal siya sa kaniyang long-time boyfriend na si Jose Sixto Raphael Gonzalez Dantes III o mas kilala ng marami bilang si Dingdong Dantes. Ang kanilang kasal ay ginanap sa Cubao Cathedral sa Quezon City. Ipinanganak ng Kapuso Primetime Queen na si Marian ang kanilang panganay na si Maria Letizia noong Nobyembre 23, 2015. Abril 19 naman ng kasalukuyang taon nang isilang niya ang ikalawa nilang anak na si Jose Sixto IV.


Talaga namang naman nina Zia at Baby Ziggy ang kagandahan at kagwapuhan ng kanilang mga magulang ngunit higit pa rito ay tila lumalaki din silang mga talentadong bata tulad ng kanilang mommy at daddy. Kamakailan nga lamang ay ikinatuwa ng marami ang ibinahaging larawan ni Marian Rivera sa kaniyang social media account kung saan tila nagrerecording si ang kaniyang panganay.


Sa larawan ni Ate Zia ay mapapansin na nasa loob siya ng isang recording studio at tila nagrerecord ng isang awitin. Dahil sa caption ni Mommy Marian na tila nagtatanong kung anong kanta nag nirerecord ng anak ay hindi na napigilan pa ng kanilang mga tagahanga at taga-suporta na magtanong kung ano nga kaya ang awitin ni Zia para sa kanilang mga mahal na tagahanga.


Umani ng sari-saring mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang larawang ito ni Ate Zia at bukod nga sa angking kagandahan ng bata ay talaga namang napakatalentado pa. Hindi na nakapagtataka na sa mga susunod na panahon ay susundan din niya ang yapak ng kaniyang mga magulang na hindi lamang mahuhusay na artista ngunit sadyang matulungin at mabuting tao rin sa kanilang kapwa.






error: Content is protected !!