Luis Manzano niregaluhan ang mga magulang na sina Edu Manzano at Vilma Santos ng “commissioned paintings” bilang tanda ng kaniyang pagmamahal sa mga ito!



Si Luis Philippe Santos Manzano ay mas kilala ng publiko bilang si Luis Manzano na anak ng mga batikan at beteranong artista na sina Edu Manzano at Vilma Santos. Siya ay 38-taong-gulang na TV host, VJ, modelo, aktor, at endorser. Siya ay unang nakilala noon bilang commercial model ng clothing brand na “Human”.



Matapos nito ay sinubukan din niyang maging host at kalaunan ay aktor. Kilala rin siya bilang isa sa mga naging pinakamatagal na VJ sa Myx Channel kasama ni Iya Villania-Arellano. Siya ay miyembro din ng isang Greek Fraternity, “The Tau Gamma Phi”, isang kilalang fraternity dito sa Pilipinas. Siya rin ay miyembro ng DLS-CSB Romancon Dance Company.



Kamakailan nga lamang ay sinorpresa niya ang kaniyang mga magulang na kaniyang mga ipinagawang “painting”. Ibinahagi ni Luis sa kaniyang Instagram ang espesyal na regalo niya sa kaniyang mga magulang na isang simpleng paraan lamang ng pagpapakita niya ng kanilang kahalagahan sa kaniyang bilang anak nila. Narito ang kaniyang naging post:
“Just a simple way of telling my parents @rosavilmasantosrecto @realedumanzano i love them! Love you momski and daddyo!”
Pinasalamatan din niya ang mahusay na pintor sa likod ng napakagandang likhang sining na ito na si Mark Rocha Padernal. “Thank you @markrochapadernal for creating these pieces! ANG GALING.”, pahayag ni Luis.



Pinasalamatan din ni Luis ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes sa pagpapakilala nito kay Padernal kay Luis. Matatandaang si Padernal din ang gumawa ng commissioned painting na iniregalo ni Marian sa kaniyang mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes noong kaarawan nito kung saan karga karga niya ang kanilang bunso na si Baby Ziggy. Sa painting na ibinigay ni Luis sa kaniyang ina na si Vilma Santos ay nakaguhit ang napakagandang larawan nilang mag-ina habang hawak-hawak si Luis ng kaniyang nanay. Tinawag ito ni Padernal na “The Master and the Apprentice.” Laking tuwa naman ni Edu Manzano sa maagang regalo mula sa kaniyang anak na larawan nilang dalawa habang sila ay magkaharap.



error: Content is protected !!