Elijah Palanca: Apo ng sikat na Wowowin host na si Willie Revillame



Si Wilfredo Buendia Revillame o mas kilala ng publiko bilang si Willie Revillame ay 58 taong gulang na TV host, mang-aawit, aktor, komedyante, prodyuser, at negosyante. Siya ay kilala ngayon na isa sa pinakamatagumpay at pinakamayamang tao sa Pilipinas.



Bagamat napakarami na niyang negosyo at mga ari-arian sa ngayon ay hindi na lingid sa ating kaalaman na nagsimula rin siya sa kahirapan. Minsan na siyang nagtrabaho bilang isang dating “barker” ng dyip at “newspaper boy”. Siya ay tumutugtog din dati ng drums kasama ang ilang mga banda at sikat na mang-aawit.


Siya ay ikinasal noong Marso 2005 sa asawang si Liz Almoro sa isang “civil ceremony” na ginanap sa Lipa, Batangas na pinangunahan ni Mayor Vilma Santos. Sinundan ito ng kasal nila sa simbahan Hunyo ng pareho ding taon ngunit napawalang-bisa rin ng taong 2008.


Bago pa man ang ng kaniyang kasal kay Almoro ay nagpakasal na din ito sa aktres na si Princess Punzalan taong 1990-1997 ngunit napawalang-bisa rin naman ito. Ang sikat na aktor at komedyante ay mayroong apat na mga anak sina Meryll Soriano na isa ring mahusay na aktres na anak niya sa dating nobyang si Bec-Bec Soriano, si Louise Anne, Marimonte Shanelle Viduya-Revillame anak niya sa dating nobya niyang si Sharon Viduya a at si Juan Emmanuel anak nito sa dating misis na si Liz Almoro. Sadyang hindi maikakaila na lumaking magaganda at gwapo ang kaniyang mga anak.


Ngunit higit pa sa mga ito ay unti-unti ring napapansin ng publiko ang gwapo niyang apo sa panganay niyang si Meryll na si Elijah Palanca. Si Elijah o Eli ay anak ng aktres na si Meryll sa dating asawa nito na si Bernard Palanca. Naghiwalay sila limang buwan matapos nilang magpakasal habang si Meryll ay buntis kay Eli.



Talaga namang malapit na malapit sa isa’t-isang ang mag-ina at madalas na makikita sa social media account nito ang pamamasyal nila ng magkasama, ang kanilang mga bonding at kulitan. Talaga




error: Content is protected !!