Kendra Kramer nagbigay ng sulat sa kaniyang mga magulang na talaga namang nakakataba ng puso!



Bilang mga magulang sa ating mga anak, wala tayong ibang ninais para sa kanila kundi ang kanilang kapakanan at magandang kinabukasan. Bukod sa wagas nating pagmamahal at suporta sa kanila ay tungkulin din nating gabayan sila sa kanilang paglaki upang maging mabuting tao sila. Sa paglaki ng ating mga anak ay nakakamanghang malaman na marami sa mga kabataan ngayon ang lumalaki ng mayroong matatag na pananampalataya at takot sa Diyos.



Kagaya na lamang ng pamilya nina Doug at Chesca Kramer na kilala din ng marami bilang Team Kramer. Una na silang nakilala sa social media dahil sa mga nakakabilib na mga kaugaliang itinuturo nila sa kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlet, at Gavin. Maaalalang matapos ng mga viral post nila sa social media ay nagsunod-sunod na ang kanilang tagumpay sa kanilang mga commercials at endorsements.


Kamakailan nga lamang ay pinag-usapan ng publiko ang ibinigay na sulat ni Kendra sa kaniyang mga magulang na sina Doug at Chesca na talaga namang nagpataba ng kanilang mga puso. Sa nasabing viral post ay nagpasalamat si Kendra sa kaniyang mga magulang dahil sa maayos na pagpapalaki nito sa kanilang magkakapatid, sa pagdadala nila sa kanila sa iba’t-ibang bansa, at sa masasayang mga bonding moments nilang magkakasama.


Nangako din ang kanilang panganay na magiging mabuti siyang ate sa kaniyang mga kapatid at mabuting anak sa kaniyang mga magulang. Ngunit ang higit na tumatak sa kanila ay ang pagnanais ni Kendra na mapalapit pa sa Diyos at sumunod sa Kaniyang mga utos na talaga namang kamangha-mangha sa kaniyang murang edad.


Ipinagpasalamat din naman ni Doug Kramer ang pagiging mabuting bata ng kanilang mga anak. At talaga namang itinuturing niya itong napakagandang biyaya mula sa Diyos. Hindi lahat ng mga anak ay lumalaking may matatag na pananampalataya at pagnanais na mapalapit pa sa Diyos kagaya ng kanilang mga anak na maagang namulat sa ganitong pagpapahalaga gaya ng kanilang mga magulang.






error: Content is protected !!