Isang Pinay Worker nagsauli ng isang bag na mayroong laman na 2.7 million pesos na cash at 7 million pesos na tseke!

Isang Overseas Filipino Worker o OFW na nagtatrabaho sa Starbucks Mall sa Dubai ang umani ng maraming mga papuri mula sa publiko dahil sa pagsasauli nito ng isang bag na punong-puno ng mga salapi. Ang nasabing salapi na laman ng bag ay tinatayang nasa 2.7 milyong piso na cash at halos nasa 7 milyong piso na halaga ng tseke. Ang bag ay mayroon ding mga laman na importanteng dokumento at ilang cheque book ngunit sa kabila nito ay hindi natukso ang Pilipinang kuhanin ang kahit anong laman ng bag.

Siya ay nakilala bilang si Mae Anne Olmidillo, 27 taong gulang at isang branch manager na nagtatrabaho sa isang Starbucks outlet sa Dubai Mall. Siya at si Rosslyn Nini na isang Kenyan ang nakakita sa naiwanang bag ng kanilang customer sa loob ng kanilang outlet.

Ayon kay Olmidillo na anim na taon nang nagtatrabaho sa Dubai, nakita niya at ng katrabaho niyang si Nini ang nasabing bag, protocol na sa kanilang trabaho na tingnan ang laman ng bag kaagad upang malaman kung kanino ito isasauli. Ngunit kailangan itong gawin sa harapan ng isang saksi at sa harapan ng camera. Agad din naman siyang nagsabi sa kaniyang district manager at sa kanilang “l0ss prevention officer” sa nangyari.


Dagdag pa niya ay nagulat sila nang makita ang laman ng bag na Dh195,000 o nasa 2.7 milyong piso na cash at tseke na nasa 7 milyong piso at 88 libong piso, kasama pa ang ilang mga dokumento. Naghintay sila kung mayroong customer na magbabalik para kuhanin ang bag ngunit nabigo sila kung kaya naman tumawag na sila sa kinauukulan at ibinigay na nila sa mga pulis sa Bur Dubai police station ang nasabing bag.

Tinawagan ng mga pulis ang may-ari ng bag na hindi namalayang nawawawa na pala ang kaniyang bag. Ang nagmamay-ari pala ng bag ay isang Russian broker kung kaya mayroon ding mga titulo ang naiwang bag. Sadyang puyat at pagod daw siya kung kaya hindi na niya namalayan pang nawawala na ang kaniyang mga gamit. Binigyan naman ng reward at pagkilala ang matapat na Pilipina.



error: Content is protected !!