Vigan City tinanghal bilang isa sa “Top 13 Most Picturesque Town” sa Asya!

Mayroong libo libong syudad sa 48 na bansa sa Asya. Kung kaya naman napakalaking karangalan para sa syudad ng Vigan an mapabilang sa “Top 13 Most Picturesque Town” sa Asya. At kung karamihan sa mga syudad at bayan na kasama sa listahan ay mayroong mga bundok, mga rice paddies”, magagandang tanawin, ang Vigan naman ay mayroong nakakamanghang “Spanish colonial-era architecture” na isa sa pinakamagandang makikita mo sa Asya.

Taong 1572 nang itayo ito ng mga mananakop na Kastila kung kaya naman hindi na nakapagtataka na magkaroon ng napakaraming mga istrukturang Kastila. Ngunit talaga namang nakakamangha kung paano napreserba ang kagandahan ng Vigan na talaga namang ilang siglo na rin ang edad. Karamihan sa mga ito ay nasa puso ng syudad. Ang napakagandang istrukturang ito ay utang ng maraming Pilipino kay Conquistador Juan de Salcedo na gumawa na isang “grid plan” kung saan dapat nakapwesto ang lahat.


Ang St. Paul Cathedral ay nasa sentro ng bayan na hinding hindi mo dapat palampasin kung bibisitahin mo ang Vigan. Sa harapan naman nito ay ang Plaza Salcedo, ang tinatawag na “central square” ng syudad. Nakapaligid sa parke ang maraming mga establisyimento at gusali na talaga namang napanatili nila ang ganda nito. Kung susubukan mo na sumakay sa mga kalesa dito ay talaga namang mararamdaman mong para kang bumalik sa nakaraan dahil maging ilang mga bahay na iyong madaraanan ay talaga namang mukhang sinauna rin.

Kung ikaw ay namangha sa ganda ng syudad sa umaga ay talaga namang mas mamamangha ka sa angking ganda nito paglubog ng araw. Ang Vigan ay tinuturing din na UNESCO World Heritage City. Ilan pa sa mga syudad na kabilang sa “Top 13 Most Picturesque Town” sa Asya ay ang sumusunod:

City of Vigan, Philippines. Galle, Sri Lanka. George Town, Malaysia
Ghandruk, Nepal. Hoi An, Vietnam.Kampot, Cambodia. Kota Gede, Indonesia. Luang Prabang, Laos.Mawlynnong, India. Phuket Town, Thailand.  Sai Kung, Hong Kong.  Yufuin, Japan.Zhouzhuang, China.



error: Content is protected !!