Mga bagong larawan at video ni John Lloyd Cruz usap-usapan ngayon ng publiko!



Ang aktor na si John Lloyd Cruz ang isa sa pinakapinag-uusapang artista sa ngayon dahil sa mga larawan niya na agad kumalat at pinag-usapan sa social media. Ayon sa ulat ng “KAMI” ay namataan diumano ang aktor na namamasyal at nagne-nature tripping sa isa sa pinakadinarayong talon sa Cebu ang “Kawasan Falls”.



Makikita sa mga larawan ng dating “One More Chance” actor na mayroon siyang kasamang ilang mga tao at hindi rin niya pinalampas ang pagsubok ng “zipline” sa nasabing “tourist destination”. Napansin din ng publiko ang maiksing buhok ng aktor at ang pagbabago ng kaniyang makapal na bigote at balbas.


Maraming mga netizens ang talaga namang nagbahagi ng kani-kanilang mga opinion patungkol sa mga kumakalat na larawan. Mayroong ilang mga netizen ang nagsabing tila buhay “single” na yata ang aktor samantalang ang iba naman ay tila nagtatanong kung maibabalik pa kaya ng aktor ang nawalang ningning sa kaniyang bituin. Hindi rin naman naikubli ng ilang mga fans ni John Lloyd na tila mas masaya siya ngayon at masigla kumpara sa mga nakaraang balita patungkol sa aktor at sa kaniyang personal na buhay.


Si John Lloyd Espidol Cruz ay 36 taong gulang na aktor, modelo, host, at endorser mula sa Pasay City. Nagsimula ang kaniyang karera sa industriya ng show business sa kaniyang mga natatanging pagganap sa ilang mga teen-oriented na pelikula at mga programa sa telebisyon. Miyembro din siya ng Star Magic Batch 5 ng ABS-CBN. Taong 2017 nang nagpasa siya ng “indefinite leave” sa showbiz na ikinabigla ng marami niyang tagahanga. Ito ay upang bigyang-daan ang kaniyang personal na buhay.


 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joseph Allan Aguilar (@sephaguilar) on

Makalipas pa ang ilang mga buwan ay naging maugong ang mga bali-balitang nanganak na ang kaniyang nobya na si Ellen Adarna sa panganay nila na si Elias Modesto, ngunit sa ngayon ay muli na namang naging usapin ang diumano’y paghihiwalayan ng dalawa dahil diumano sa “weird” na pag-uugali ng aktor.






error: Content is protected !!