Baron Geisler at Jamie Marie Evangelista, naikasal na sa Huwes!



Si Baron Frederick von Geisler ay mas kilala ng publiko bilang si Baron Geisler. Siya ay 37 pitong taong gulangna aktor, negosyante, modelo, “resource speaker”, “amateur artist” at “aspiring poet”. Siya ay nagsimula sa industriya ng show business bilang isang “child actor” at naging isang “teen idol” kalaunan.



Nakilala din siya noon bilang isang mahusay na aktor ngunit naging sunod sunod ang mga kontrobersiyang kaniyang kinasasangkutan niya patungkol sa labis na pag-inom niya ng alak at diumano ay mga pangbabastos niya sa ilang mga kilalang artistang babae. Ilang taon din siyang hindi napanuod sa harap ng kamera.


Sa kabila ng pagiging mailap sa kaniya ng oportunidad na magbalik sa show business ay nabigyan siya ng natatanging pagkakataon upang mapatunayan muli ang kaniyang sarili at ang kaniyang kakayahan sa publiko nang maimbitahan siya bilang bagong miyembro ng mga artistang gumaganap sa “FPJ’s: Ang Probinsiyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.


Matapos nga nito ay nagkasunod-sunod na ang kaniyang mga tagumpay sa buhay. At nito nga lamang ika-12 ng Setyembre ay idinaos ang civil wedding ceremony nila ng nobyang si Jamie Marie Evangelista sa Quezon City Hall.



Ang nagkasal sa kanilang dalawa ay si Judge Arthur Malabaguio. Sa platinum nilang singsing ay nakaukit ang mga katagang “Matthew 19:6 Baron & Jamie.” Inamin din niya sa publiko na ang mga singsing nila ay talaga namang pinag-ipunan niya. Sa susunod na taon naman gaganapin ang kanilang church wedding.


Ito naman ang naging pahayag ng mahusay na aktor patungkol sa kaniyang minamahal:
“Actually, she’s God’s gift to me talaga. I am very blessed to have her in my life, kasi, I am not perfect. I am God’s work in progress. But I am striving to be the best version of myself. And without God by my side, and without her, I cannot make it.”, sambit niya.

Source: Pep




error: Content is protected !!