Yassi Pressman na-enjoy ang Germany kasama ang kaniyang “bestest friend” na si Coco Martin!



Kamakailan lamang ay nagpahayag ng kaniyang maiksing “appreciation post” si Yassi Pressman para sa kaniyang on-screen partner na si Coco Martin. “Ang Probinsiyano” stars na sina Coco Martin at Yassi Pressman ay nagtungo kamakailan lamang sa Germany kasama ang ilan pa sa kanilang mga kapwa artista upang magbigay ng kasiyahan sa ating mga kababayan roon.



Matapos ang kanilang naging pagtatanghal doon ay nagbahagi siya sa kaniyang social media account ng naging pamamasyal nila kasama ang kaniyang kapareha na si Coco Martin. Ayon pa sa Kapamilya leading lady kahit naman sa totoong buhay ay napakarami din talaga niyang nais ipagpasalamat sa aktor.

Nagbahagi siya ng larawan nilang dalawa kasabay ng caption na:
“Hihi, nakapasyal din ang on screen partners na sina Cardo at Alyana!” Pero sa totoong buhay din naman, napakarami kong ipagpapasalamat sa partner kong ito.” Pahayag ng aktres.


Tinawag niyang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan si Coco at isang napakagandang pagpapala para sa kaniya at sa iba pang mga tao.
“Thank you for being one of my bestest friends. You’re truly a blessing to everyone, at mahal ka naming lahat.”
Ang post na ito ni Yassi ay nagdulot ng sobra-sobrang kilig mula sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:
“Ang sarap umibig. Ang tamis! Haay.”


“OMG. My CocoYass heart!”

“Ang puso ko, sobrang kilig. Natupad din ang pangako ni Cardo na ipapasyal niya si Alyana.”



Sina Coco at Yassi ay naging magkatrabaho sa “Ang Probinsiyano” noong pang taong 2016. Bagamat marami ang nag-uugnay sa dalawa ay pareho pa rin nilang itinatanggi ang diumano ay pagkakamabutihan nila. Nauna nang ipahayag ng aktres na ang mga espekulasyong ito ay isang magandang bagay dahil sa napatutunayan nila na epektibo ang kanilang mga pagganap.

“Perhaps they just get carried away by the story. And I’m happy if that’s how they feel. That’s a good thing.” Komento ng aktres.