Panganay na anak ni Sunshine Cruz na si Angelina Cruz, pinahanga ang publiko dahil sa napakaganda nitong pre-debut photoshoot



Nito lamang Setyembre 11 nang sorpresahin ng panganay na anak ni Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina Cruz ang kaniyang mga Instagram followers sa kaniyang pre-debut photoshoot. Siya ay isinilang noong taong 2001 at magdiriwang na ng kaniyang ika-18 kaarawan sa darating na Setyembre 24. Ang celebrity teen star ay talaga namang mukhang anghel na animo ay mukhang diwata rin sa kaniyang “vintage-inspired white flowing dress” na likha ng isang kilalang fashion designer na si Manny Halasan. Simple man ang kaniyang make-up ay talaga namang naging bagay ito sa kaniyang “effortless curls”.



Ang pinag-uusapan na pre-debut photoshoot ng dalaga ay ginanap sa Henry Hotel Manila na kilala bilang sa luntian nitong kapaligiran at sa “vintage-style architecture” at “interiors” nito. Hindi maiwasan ng maraming mga netizens ang mamangha sa angking kagandahan ng dalaga na tila namana niya sa kaniyang mga magulang na kapwa din kilalang mga artista.


Si Angelina Isabele Cruz Montano ay ang panganay sa tatlong mga anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Ang kaniyang dalawa pang nakababatang mga kapatid ay sina Samantha at Angel. Ang kanilang mga magulang ay nagdiborsiyo taong 2013 ngunit mas minabuti nila na manirahan kasama ang kanilang ina matapos ang paghihiwalay ng mga magulang. Si Angelina ay isang kilalang modelo at mang-aawit. Marami din siyang mga tagasuporta sa social media dahil mayroon siyang higit sa 700,000 na Instagram followers.


Nagbahagi din naman siya ng isang post sa kaniyang Instagram na mayroong larawan ng kaniyang pagpirma ng kontrota sa ABS-CBN. “Thank you Lord for another blessing! So grateful!! Of course, this wouldn’t be possible without all your support, thank you my angels,” pahayag ni Angelina.


Si Sunshine Cruz ay isang 42 taong gulang na aktres at mang-aawit. Siya ay miyembro din ng isa sa pinakakilalang pamilya sa show business, ang mga Cruz. Ikinasal siya sa aktor at director na si Cesar Montano noong Setyembre 2000 ngunit nauwi rin sa diborsyo noong 2013.






error: Content is protected !!