Isang netizen nagbahagi ng larawan ng isang dayuhan na naglilinis ng ating dalampasigan!



Ang Pilipinas ay nabiyayaan ng maraming mga magagandang lugar na malimit ay dinarayo ng maraming mga Pilipino at ng iba pang mga dayuhan mula sa mga kalapit na bansa. Kung “tourist destinations” lang naman ang pag-uusapan ay napakaraming maipagmamalaki ng ating bansa.



Ngunit sa kasamaang-palad, ang pagdami ng mga tao at turista sa isang lugar ay nagdudulot din ng negatibong epekto sa ating kapaligiran. Dahil nga sa maraming mga tao na nagnanais maranasan at makita ang mga magaganda nating tanawin dito sa Pilipinas ay hindi na maiiwasan pang maging makalat, madumi, at puro polusyon.


Naging usap-usapan sa social media ang dayuhan na ito na naglilinis ng maruming dalampasigan sa Dipolog City. Siya ay itinampok ng netizen na si Jovi Mora noong Setyembre 13, 2019 kung saan makikita sa kaniyang post ang isang banyagang taga-Finland na si “Simo Aaltonen” habang naglilinis sa maruming baybayin ng look sa Dipolog City.


“Just met this man this morning at boulevard of Dipolog City named SIMO AALTONEN from Finland and he’s cleaning the bay guys!”, pahayag ni Mora. Kitang-kita sa larawan na matiyaga niyang nililinis ang baybayin sa pamamagitan ng pagtatanggal niya ng mga basura dito na karamihan nga ay mga plastik na basura. Umani ng sari-saring komento mula sa maraming mga netizen ang ginawang ito ng dayuhan.



Narito ang ilang mga komento ng mga netizen sa kahanga-hangang pagmamalasakit ng isang dayuhan sa pinakamamahal nating bansa: “Nakakahiya naman sa mga Pilipinong dapat ay nangunguna sa paglilinis ng mga kalat na iyan. Sila rin naman ang nagkalat niyan kaya dapat sila ang maglinis. Kudos sa naturang foreigner!”
“Siguro hindi na nakatiis ang foreigner kasi sa bansa nila, malinis at bawal ang magkalat. Isang wakeup call ito sa mga Pilipino na dapat mahalin at pakaingatan ang kapaligiran dahil nag–iisa lamang ito.”

“Bakit kailangan pang mga dayuhan ang maglinis ng kalat ng mga Pilipinong responsable kung bakit makalat ang lugar? Dapat manggaling ang initiatives sa mga lokal. Malaking sampal iyan sa ating lahi. Minsan, nakakahiyang maging Pinoy kapag ganiyan ang asal natin.”



“Sana naman masampal sa katotohanang ito ang ilang mga Pilipinong walang habas sa pagkakalat ng basura sa mga katubigan. Pangalagaan natin ang ating bansa dahil sa atin ito at tayo ang nagmamay–ari nito.”




error: Content is protected !!