Kathryn Bernardo lutang na lutang ang kagandahan sa ABS-CBN Ball 2019



Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo ay mas kilala ng publiko bilang si Kathryn Bernardo. Siya ay 23 taong gulang na aktres, modelo, endorser, at kilalang taga-suporta ng Liberal Party (LP). Siya ay nakilala ng husto sa kaniyang pagganap sa hit teleserye series na “Mara Clara” taong 2010 hanggang 2011. Gumanap din siya sa ilang mga kilalang programa sa telebisyon na Princess and I, Got to Believe, Pangako Sa’yo at La Luna Sanggre. Malimit ding pumapatok at tinatangkilik ng publiko



Isa rin siya sa mga itinuturing na pinakamahuhusay na aktres ng kaniyang henerasyon. Sa katunayan ay halos lahat ng kaniyang mga pelikula ay tumatabo ng malaking kinita sa takilya. Kagaya na lamang ng Way Back Home (2011), Must Be… Love (2013), She’s Dating the Gangster (2014), Crazy Beautiful You (2015), Barcelona: A Love Untold (2016), Can’t Help Falling in Love (2017), The Hows of Us (2018), Three Words to Forever (2018), at Hello, Love, Goodbye (2019).


Naging labis na matagumpay ang pagtatambalan nila ng Kapuso actor na si Alden Richards sa kanilang naging pelikula na Hello, Love, Goodbye na pumalo sa higit P880 milyon sa takilya. Kung kaya naman inabangan din ng publiko kung muli nga ba nilang makikita sa iisang lugar sina Joy Fabregas at Ethan Del Rosario.


Ngunit hindi nakapunta ang aktor sa ABS-CBN 2019 Ball. Gayun pa man ay naging napakagandang gabi noon para sa maraming mga sikat na artista ng Kapamilya network.


Lumutang nga ang angking ganda ni Kathryn Bernardo sa kaniyang pino serpentine gown na gawa mismo ng isang sikat na Dubai-based designer na si Michael Cinco. Tunay ngang nabighani ang marami sa kaniyang mahusay na pagdadala ng kaniyang Modern Filipiniana gown.



Maging ang kasintahan niya ng pitong taon na si Daniel Padilla ay tila hindi maalis ang tingin sa napakagandang nobya nito. Umani din naman ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko ang mga larawang ito ni Kathryn. Maraming mga netizens ang nainggit sa kaniya ngunit marami din naman talaga ang labis na humanga.

Source: TheTrendingPlanet




error: Content is protected !!