Twinning outfit ni Cristine Reyes at anak nitong si Amarah umani ng napakaraming positibong komento at reaksyon mula sa publiko!



Si Ara Marie Cristine Reyes-Khatibi o mas kilala ng publiko bilang si Cristine Reyes ay 30 taong gulang na aktres, endorser, at modelo ng Kapamilya network. Siya ay una nang nakilala sa GMA reality television program na StarStruck.



Siya ay kilala rin bilang nakababatang kapatid ng actress-turned-businesswoman na si Ara Mina. Isinilang niya ang kaniyang anak na si Amarah sa nobyo niyang si Ali Khatibi na isang mixed martial artist noong Pebrero 2015. Setyembre din ng taon na iyon nang i-anunsyo nila ang kanilang pagpapakasal. Ikinasal ang dalawa sa isang pribadong seremonya sa Balesin Island noong Enero 27, 2016.


Sa ngayon ay ginagampanan niya ang karakter ni Katrina De Leon-Salvador sa afternoon series ng Kapamilya network na “Nang Ngumiti Ang Langit” kasama sina Sophia Reola, RK Bagatsing, Shaina Magdayao, at ilan pang mga kilala at batikang artista.


Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang naging pagrampa ng aktres kasama ang anak na si Amarah sa katatapos lamang na ABS-CBN Kapamilya Ball. Talaga namang napalingon ang marami hindi lamang sa angking kagandahan ng aktres na si Kristine kundi lalo na dahil sa sobrang ka-cute-an ng anak niyang si Amarah.
Ang “twinning Modern Filipiniana” ng mag-ina ay kulay gintong gown na talaga namang bagay na bagay sa kanilang dalawa.



Ito idinisenyo at nilikha ng isang kilalang designer na si Neric Beltran. Umani ng sari-saring mga komento at papuri ang kasuotan ng mag-ina. Ilan pa ngang mga netizen ang nagkomento na pang-Hollywood talaga ang datingan ng dalawa. Sino ba naman ang hind matutuwa sa napakagandang kombinasyon ng mag-ina? Lalo na sa kanilang natural na kagandahan at napakagandang mga ngiti.

Marami din sa mga netizen ang nagtatanong kung papayagan nga ba ni Cristine ang kaniyang anak na si Amarah na pasukin din ang industriya ng show business pag tungtong nito sa tamang edad? Tiyak na madaragdagan na naman ang mga mahuhusay na artista at magagandang mukha sa industriya ng show business pag nagkataon!