John Lloyd Cruz at Bea Alonzo namataang magkasama sa panunuod ng isang “musical” sa Makati!



Ang pagiging malapit na magkaibigan ngayon ng mga Kapamilya stars na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay nagdudulot ng sari-saring komento mula sa maraming mga netizens. Kamakailan nga lamang ay namataan silang magkasama sa isang “musical” sa Makati. Ang nasabing “musical” ay mayroong pamagat na ‘Himala: Isang Musikal,’ na ginanap sa Power Mac Center Spotlight sa Makati. Ilang mga larawan ng dalawa ang talaga namang pinagpiyestahan ng publiko.



Umani ito ng ilang mga espekulasyon na maaaring nagkakamabutihan na ang dalawa ngunit wala pa ring kumpirmasyon mula sa magkabilang panig. Ilan pa sa mga komento ng mga netizens ay ang sumusunod:
“Sana kayo na lang. Kayo na lang ulit. :’(”
“Single looks good on them char.”
“malay natin si bea at jlc din sa huli. :)”
“Luh ito ba yung sinasabing kay tagal mo ng nawala babalik ka din?”
“Iba talaga kapag wala na siyang facial hair. Nakikita ko na ang dating JLC.”

 

View this post on Instagram

 

Reunited and it feels so good ??❤️

A post shared by bea_loydie_forever (@bealoydie_forever) on


Naging kapuna-puna din naman ang maayos na hitsura at ang inahit nang mahabang balbas at bigote ng aktor. Marami din ang mga natuwa dahil sa kahit pa nga tila pareho ng “single” ang dalawa ay mababakas pa rin sa kanilang mga mata ang tunay na kaligayahan.
Maaalalang naging mainit at napakakontrobersyal ng hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson na diumano ay niligawan ang isa pang Kapamilya actress na si Julia Barretto habang karelasyon pa nito si Bea. Bagamat naging masakit at hindi kaaya-aya ng nangyaring ito sa kanilang relasyon ay nanatiling propesyonal si Bea.

 

View this post on Instagram

 

#HIMALA

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on


Samantala, ang aktor naman na si John Lloyd Cruz ay usap-usapang hiwalay na rin sa kaniyang kasintahan at sa ina ng kaniyang panganay na anak na si Elias Modesto sa hindi pa nakukumpirmang dahilan. Wala pa ring kumpirmasyon sa magkabilang panig ukol dito. Ito na nga kaya ang tamang panahon at tamang pagkakataon upang magkaroon ng namumuong pag-iibigan ang dalawa?

Source: Pep






error: Content is protected !!