Espesyal na pagdiriwang nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa ng kanilang 50th Wedding Anniversary, dinaluhan ng kanilang malalapit na kapamilya at kamag-anak



Marahil ay madalas nating marinig ang salitang “walang forever!” Walang magpakailanman ang isinisigaw ng maraming mga tao na minsan nang nasaktan dahil sa pag-ibig o di kaya naman ay iniwanan o ipinagpalit ng kanilang mga minamahal. Nakakalungkot mang isipin ngunit madalas itong mangyari. Tila hindi na natin maiiwasan pa na mayroong mga tao ang hindi binibiyaan ng taong makakasama nila ng matagal o pang-habang buhay.



Kagaya na lamang ng mag-asawang sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa na isa sa pinakahinahangaan ng publiko pagdating sa kanilang samahan o relasyon bilang mag-asawa. Si Vicente Castelo Sotto III o mas kilala ng marami bilang si Tito Sotto ay 71 taong gulang na pulitiko at kasalukuyang “senate president” ng Pilipinas.


Bukod sa pagiging pulitiko ay kilala din siya bilang isang aktor at host. Siya ay isa sa mga co-host ng Eat Bulaga. Kilala rin ang ilan sa kaniyang mga kapatid sa industriya ng show business na sina Vic, Val, at si Maru Sotto.


Siya ay kasal sa beauty queen, aktres, at singer na si Helen Gamboa. Mayroon silang apat na mga anak sina Romina, Diorella Maria, Gian Carlo at Ciara at sampung mga apo sina Romino Vicente, Victorio, Vicente IV, Carlos Edrigu, Alessandro Jose, Marciano, Juan Rossano, Vincenzo Jose; Helena at Amaria Jiliana.


Ikinatuwa nga ng marami ang naging espesyal na pagdiriwang nila ng kanilang wedding anniversary. Sa loob ng 50 taon ay nanatili silang matatag at mas lumalim pa ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa. Marami ang nakiisa at nakisaya sa pagdiriwang nilang ito.



Ilan na nga sa mga ito ang mga malalapit nilang kamag-anak at kaibigan na sina Pauleen at Vic Sotto, Joey at Jocas de Leon at marami pang iba. Marami namang mga netizen ang humanga sa inspirasyong binibigay nila sa publiko dahil tunay nga na hindi biro ang manatili sa isang relasyon ng 50 taon at higit pa.




error: Content is protected !!