“Lahat ay magpapatawad at sa huli lahat ay masaya”: Karla Estrada para sa ama ng kaniyang anak na si Rommel Padilla



Si Carla Estrada Ford o mas kilala ng publiko bilang si Carla Estrada ay 44 taong gulang na aktres at mang-aawit mula sa Tacloban, Leyte. Taong 2016 nang pumirma siya ng dalawang taong eksklusibong kontrata niya sa ABS-CBN. Ang aktor at komedyante na si Antonio Aquitania ay pinsan ni Karla.



Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na hindi nakalakihan ni Karla ang kaniyang ama dahil noong ipinanganak siya ay mayroong nanlinlang sa kaniyang ama at sinabing pumanaw na siya nang siya ay isinilang ng kaniyang ina kung kaya naman umalis na lamang ito at bumalik sa kaniyang bansa. Ngunit ngayon ay nasa mabuti na silang estado at nagkaroon na rin ng pagkakataon na magkakilala pa ng lubusan.


Maging ang buhay pag-ibig ni Karla ay hindi na rin naman lingid sa publiko dahil sa mga ama ng kaniyang mga anak. Ang kaniyang panganay na anak na si Daniel Padilla ay anak niya sa dating nobyo na si Rommel Padilla, habang si Jose Carlito naman ay anak niya sa oinsan ni Rommel na si Naldy Padilla. Si Margaret Ford Planas o Magui ay anak naman ni Karla kay Mike Planas. Hindi naman mula sa industriya ng show business ang ama ng kaniyang bunsong anak na si Carmella Ford o si Lelay. Sa ngayon ay masayang masaya si Karla sa kaniyang buhay-pag-ibig.
Kamakailan lamang ay pinusuan ng marami ang kaniyang ibinahaging larawan sa kaniyang social media account. Ang nasabing post ay larawan nilang tatlo ng anak na si Daniel Padilla at ama nito na si Rommel Padilla na nilagyan niya rin ng caption na “Lahat ay lilipas, lahat ay magpapatawad at sa huli lahat ay magiging masaya.


Para sa anak mula sa ina.” Sa ngayon ay mayroon na itong higit sa 115,000 na mga likes. Marami ang nagpahayag ng kanii-kanilang mga komento at reaksyon patungkol dito. Maging ang ilang mga celebrities gaya nina Melai Francisco, Moira dela Torre, at Jackie Forster na nagpahayag ng kani-kanilang mga komento sa nasabing viral post.




error: Content is protected !!