Russia maaari nang puntahan at bisitahin ng mga Pilipino dahil sa E-visa!



Sa panahon natin ngayon ay hindi na nga kataka-taka na magkaroon tayong mga Pilipino ng interes sa pagbibiyahe at pagbisita sa maraming mga magagandang lugar dito sa ating bansa o maging sa ibayong-dagat. Kung kaya naman magandang balita para sa marami sa atin at sa iba pang mga bansa ang balitang ito patungkol sa bansang Russia.



Dahil simula sa buwan ng Oktubre ngayon taon ay tatanggap na ang pamahalaan ng Russia na mga turista mula sa 53 mga bansa at isa na nga rito ang Pilipinas. Maaari nang mag-apply ng E-Visa upang makarating sa bansang Russia at masilayan ang ilan sa mga natatangi nitong lugar kagaya na lamang ng Saint Petersburg at marami pang iba.


Ang Russia ay kilala din bilang Russian Federation, tinatawag ang bansa na ito bilang transcontinental na bansa na nasa Silangang Europa at Hilagang Asya. Kung nasasakupan lang naman ang pag-uusapan ito na ang pinakamalaking bansa sa buong mundo. Moscow ang kabisera ng bansang ito. Samantalang ang istruktura ng pamahalaan nito ay Federal Dominant Party-Semi Presidential Constitutional Republic. Naging mahigpit din silang kaaway ng bansang Amerika at ng ilan pang bansa na kaalyado nito.


Ang mga Russian e-visa ay single entry lamang na mayroong bisa sa loob ng 30 araw. Habang ang mga turista naman ay maaari lang manatili sa loob ng walong araw. Noon pang Hulyo 1, 2019 nang payagan ang mga Pilipino na makapaglakbay sa Russia.


Ang mga parating na e-visa grant para sa mga Pilipino ay papahintulutan lamang na manatili sa Saint Petersburg na kilala bilang sentrong pangkultural ng Russia at maging sa ibang mga rehiyon sa Leningrad Oblast.



Bukod pa sa mga Russian e-visa ay maaari na ding makakiha ng medical insurance sa buong panahon ng pamamasyal sa Russia. Lahat ng mga dayuhan sa nasabing bansa ay kinakailangan na magkaroon ng insurance coverage na €35,000. Kinasabikan naman ng maraming mga Pilipino at nang iba pang mga dayuhan ang magandang balita. Umani ito ng sari-saring komento mula sa maraming mga netizens.




error: Content is protected !!