“Di ako bakla” Pahayag ng isang lalaki na mahilig sa mga gamit na Hello Kitty na usap-usapan ngayon ng publiko online!



Isang lalaki na mahilig sa Hello Kitty ang dinepensahan ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kritiko na kumukwestyon sa kaniyang pagkatao. Siya ay nakilala bilang si Mark Lansican, mula sa Tacurong, Sultan Kudarat na isang kolektor ng Hello Kitty. Ang kaniyang pagkahilig sa mga ganitong karakter ay nagsimula nang disenyuhan niya ang kaniyang sasakyang motor ng kulay pink at mga Hello Kitty accessories dahil sa gusto niyang hangaan ng marami ang kaniyang motor.


“Nagsama-sama, parang common ‘yong motor na nakikita ko. Naisip ko, gusto ko mag-Hello Kitty. Nagtanong ako sa LTO na OK naman daw, basta ‘wag lang daw alisin ang rehistro.” Pahayag ni Lansican.



Mula noon ay nagsimula na siyang mangolekta pa ng ilang mga kagamitan at bagay na Hello Kitty. Maging ang kaniyang silid nga ay dinisenyuhan niya na din ng kulay pink at Hello Kitty items. Marami siyang mga stuff toys, stickers, wallpapers, baso at kung anu-ano pa na puro Hello Kitty ang disenyo.
“’Yong room ko pina-pink ko na, tapos nu’ng magka-extra pera ako, bumibili ako ng kaunti-unting Hello Kitty stuff,” Pahayag niya.

Ilan din sa kaniyang mga kaibigan ang madalas na tumatambay sa kaniyang kwarto na madalas pa nga ay hindi rin niya maiwasang bigyan ng ilan sa kaniyang mga koleksyon. Dahil nga ang kulay pink at ang Hello Kitty characters ay madalas nang naiuugnay sa mga kababaihan ay madalas na nabibiro si Lansican tungkol sa kaniyang pagkatao na agad naman niyang sinagot at binigyang-linaw.



“Hindi ako bakla. Maarte lang ako kaya ko gawin ang trabaho ng babae. Panindigan ko na kaya ito. Hello Kitty lover. Bahala na ano sabihin ng iba basta masaya ako. Lalaki ako napagkakamalan akong bakla hindi naman siguro. Hindi naman nasusukat ang pagkalalaki sa pink na motor, kwarto at Hello Kitty collections. Huwag tayo basta-basta maghusga sa kapwa natin. Dapat matuto magtanong. Huwag magpadala sa post lang.” Pahayag ni Lansican.




error: Content is protected !!