Donnalyn Bartolome ibinunyag kung paano siya tratuhin ng isang Alex Gonzaga!



Si Donnalyn Jereos Bartolome o mas kilala ng publiko bilangs si Donnalyn Bartolome ay isang 25 taong gulang na YouTube video blogger, mang-aawit, songwriter, rapper at aktres na isinilang sa Japan.



Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa social media ang naging pakikitungo sa kaniya ng 31 taong gulang na Kapamilya aktres, host, komedyante, at vlogger na si Alex Gonzaga. Sa kaniyang social media account at dinepensahan at ipinagtanggol ni Donnalyn ang aktres patungkol sa napabalitang isyu nito nang hindi pamamansin sa mga Kapuso stars na sina Ken Chan at Rita Daniela. Dagdag pa ni Donnalyn ay hindi nagdalawang-isip ang nakababatang Gonzaga na maging bahagi ng kaniyang music video noon kahit pa nga hindi sila personal na magkakilala.


“Share ko lang experience ko kay Alex, this is the perfect time to tell all of you about this. Me and Alex don’t know each other personally. I love her personality and I wanted her to be a part of my music video “Di Lahat” to represent the skinny girls with me. I sent her a DM and to my surprise she replied “Hello!! No problem!! Go!! Wuhooo!! Congrats in advance.” Pagkukwento ni Donnalyn.


Dagdag pa niya, nang araw mismo ng kanilang music video ay mayroong emergency tooth extraction si Alex kung kaya naman inasahan na ni Donnalyn na hindi na nga makakapunta pa si Alex ngunit laking gulat nito ng biglang sumipot ang aktres.


Walang ibang bukang bibig si Donnalyn kay Alex kundi ang pagkabilib nito sa kaniya at labis na paghanga bilang isang artista.
“She insisted to be there, I witnessed her swollen face and you can see sa mata niya she’s not feeling well but she made sure she made me feel like I wasn’t a bother.” Dagdag pa ni Donnalyn.



 

View this post on Instagram

 

Share ko lang experience ko kay Alex, this is the perfect time to tell all of you about this. Me and Alex don’t know each other personally. I love her personality and I wanted her to be a part of my music video “Di Lahat” to represent the skinny girls with me. I sent her a DM and to my surprise she replied “Hello!! No problem!! Go!! ?” “Wuhooo!! Congrats in advance ❤️❤️” and gave me her RM’s number to coordinate but on the day of the ***** ? she had an emergency wisdom tooth extraction, the right side of her face was swolen and it would have been understandable if she cancels. We were just waiting for her RM to say it. BUT NO. She insisted to be there, I witnessed her swolen face and you can see sa mata niya she’s not feeling well but she made sure she made me feel like I wasn’t a bother. Our first meeting was awkward kasi sobra akong hiyang hiya that she was there though she wasn’t okay (as you can see sa video)at the same time she can’t move too much ‘cause she must have been in **** pero gosh she still danced with me, see? Siya pa ang apologetic!! Jusko po anghumble ? Sino ba ako? No teleseryes, different management, less following, she had nothing to gain! Can’t thank you enough @cathygonzaga ? SHE DIDN’T EVEN ACCEPT HER TOKEN for her appearance and we know how valuable her time is ? Kindhearted people are often misunderstood, but we should realize people only understand from their level of perception and they deserve no explanation. ?

A post shared by Donnalyn Bartolome?? (@donnalynbartolome) on

Naging “awkward” man ang una nilang pagkikita ay wala nang ibang nasabi pa si Donnalyn kundi:
“Siya pa ang apologetic!! Jusko po ang humble. Sino ba ako? No teleseryes, different management, less following, she had nothing to gain! Can’t thank you enough, Alex Gonzaga.”