Senador Ping Lacson isinusulong ang batas na magpaparusa sa mga anak na mag-aabandona sa mga kanilang mga magulang na mayroong sakit at matatanda na!



Si Panfilo “Ping” Morena Lacson Sr. o mas kilala ng publiko bilang si Senador Ping Lacson ay 71 taong gulang na pulitiko at retiradong pulis na namuno na noon sa Philippine National Police mula 1999 hanggang 2001.



Siya ay hinahangaan ng marami dahil sa kaniyang pagiging matapang at sa ilang mga batas na kaniyang isinusulong ngayon kagaya na lamang ng Senate Bill No. 29 o ang “Parents Welfare Act of 2019”. Ang batas na ito ay naglalayon na maprotektahan at mapangalagaan ang mga matatanda at mayroong sakit na mga magulang at upang mabigyan pa rin sila ng suporta at tulong ng kanilang mga anak na babae o lalaki.


Ayon sa ulat ng Inquirer (author Pathricia Ann V. Roxas), isinulong na niya ang batas na ito sa ika-17 kongreso. Ayon sa nasabing batas, ang isang magulang ay maaari nang humingi ng tulong sa kaniyang anak sa pamamagitan ng isang petisyon na susuportahan ng korte. At kung hindi man ito masunod ng mga anak ay mahaharap sila sa kaso. Sa mga hindi susunod sa nasabing batas, sila ay maaaring magmulta ng hindi bababa sa P100,000 o pagkakakulong na hindi bababa sa isa hanggang anim na buwan.
Para naman sa mga anak na aabandunahin ang kanilang mga magulang ay maaari silang maharap sa anim hanggang sampung taon na pagkakakulong at multa na hindi bababa sa P300,000. Ayon din sa batas na ito dapat magkaroon ang bawat probinsya at lalawigan ng isang maayos na “Old Age Homes” para sa mga matatandang may sakit at mga magulang na mayroong kapansanan.


Tunay ngang magiging malaking tulong ang batas na ito lalo na sa mga magulang na napapabayaan na ng kanilang mga anak dahil sa mayroon na rin silang kani-kanilang buhay o di kaya naman ay pinipili na lang din talagang iwanan ang kanilang mga magulang sa mahirap at hindi kanais-nais na sitwasyon.




error: Content is protected !!